Manong, Mangiyak-ngiyak dahil Ipambabayad lang sa Violation ang Binale sa Amo



Isang lalaki ang babale lang sana sa amo para may pambili ng kanilang pagkain, ngunit hinuli ito ng enforcer dahil umano bawal lumabas sa araw na iyon.

Nanlumo si Manong ng ipapambayad lang nito sa violation ang kanyang binale na para sana sa panggastos sa pagkain ng kanyang Pamilya.

Ayon kay Manong ay nagbaka sakali syang bumale sa kanyang Amo kaya sya lumabas sa araw na iyon kasi wala na daw silang panggastos at wala na rin makain.

Habang papunta na sya sa kanyang Amo ay hinuli sya ng Enforcer dahil bawal daw lumabas sa araw ng linggo kaya tinikitan sya nito.

Mangiyak-ngiyak si Manong habang nakapila hawak ang tiket at ang pera nitong binale sa kanyang Amo dahil pambili nya sana ito ng pagkain ng kanyang Pamilya.


Sinabi pa nito na Karpentero lamang sya at nagbabakasakali lang na lumabas para bumale ngunit wala syang pakundangan na hinuli ng enforcer.

Imbis na pambili na lang sana ni Manong ng Bigas at pagkain ng kanyang pamilya ay ibinayad pa nito sa violation.

Ito ang Post ng isang FB Page,


Grabe naman ginawa dito kay manong! :'(

Nakapila itong si manong sa munisipyo, sobrang lungkot nya at mangiyak ngiyak habang tinitignan yung tiket nya na may violation, natanong sya ng netizen kung bakit sya malungkot sabi ni manong nahuli daw sya ng enforcer dahil lumabas daw sya kahit linggo bawal daw pala.. Kaya tiniketan sya at kaylangan nyang bayaran yung tiket sa munisipyo na mahigt 1,000 pesos, naiyak sya nung sinabi nyang karpentero lang sya at lumabas lang daw sya para bumale sa amo nya dahil wala na daw sila panggastos at wala na makain pamilya nya kaya nagbakasakali syang pumunta sa amo nya para bumale pero wala pakundangan syang hinuli ng mga kurakot na enforcer.. 



Yung bale nyang pera sa amo nya na sana ay pamibili ng bigas at pagkain para sa pamilya nya ay ibabayad nya pa sa violation nya.. Grabe! nakakagigil gumawa nito kay manong! mga walang kunsensya hindi man lang naawa.. paki share na lang po para matulungan si tatay at mapanagot yung enforcer.

3 comments:

  1. boysit na batas .grabeh.. karma s inyu taga saan bayan si manong jusko😭😭😭 sakit s dimdim

    ReplyDelete
  2. Grabe talaga Tao ngayon hirap na nga Lalo pang pahirapan..

    ReplyDelete