any

Malacañang, Kailangan Maibigay sa 18 Milyong Benepisyaryo ang 2nd Tranche ng SAP



Ayon sa Malacañang, kailangang maibigay sa 18 Milyong Benepisyaryo ang 2nd Tranche ng SAP dahil nakamandato ito sa ilalim ng bats.

Iginiit ng Malacañang na dapat ibigay ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang ikalawang tranche ng cash subsidy sa lahat ng 18 milyong benepisyaryo.


Ito ang tugon ng Palasyo kasunod ng pahayag ng DSWD na bumaba sa 14.1 million ang mga makakatanggap ng ayuda dahil tinanggal na rito ang mga duplicate at unqualified beneficiaries.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, nakamandato ito sa ilalim ng Bayanihan to Heal as One Act o Bayanihan 1.

Kailangang punuin ng DSWD ang mga slot kahit maghanap sila ng mga bago at kwalipikadong benepisyaryo.



Pagtitiyak ni Roque sa publiko na i-aanunsyo nila kung ano ang magiging desisyon ng DSWD hinggil dito.

Nabatid na natuklasan ng DSWD ang nasa 675,933 duplicate beneficiaries, 239,859 unqualified at 58,725 na boluntaryong nagbalik ng cash aid.

4 comments:

  1. D2 po sa Sto Niño Dinalupihan Bataan ang binigyan lang ay ang mga waitlited 6500 sa barangay kanina ang mga dati daw pong nakakuha ay wala na daw dahil wala na daw pong pera

    ReplyDelete
  2. Wala png nabigyn samin sa paranaque nung unang nabigyn

    ReplyDelete
  3. d2 sa lugar namin ung iba di babigyan.

    ReplyDelete
  4. qualified p0 sana mga tricicyle driver gaya ng mister ko . di po kami kasali sa sap na yan 😭 . Dito sa 0zamiz city
    Wala kami sa listahan eh halus Wala na kami makain sasabihin pa di kami kadali 😥

    ReplyDelete