Mahigit 100,000 SAP beneficiaries, ‘Di pa Nakatatanggap ng Ayuda sa Bulacan
Ito ang iniulat ng pamahalaang panlalawigan sa bumisitang miyembro ng National Task Force Against COVID-19.
Ang naturang bilang ay kabilang sa waitlisted sa first tranche ng Social Amelioration Fund.
Sa mahigit dalawang milyong pisong laan sa first tranche, nasa 400,000 ang nabigyan ng ayudang pinansyal sa may 569 na barangay.
Nagpapatuloy naman ang distribusyon ng ikalawang bugso ng SAP sa pamamagitan ng mga partner na paying centers.
No comments