any

Magnanakaw, Nilapa ng German Shepherd sa Ninanakawang Bahay



Isang magnanakaw umano ang nabigo ang balak matapos siyang lapain ng German Shepherd sa ninanakawan nitong bahay.


Nabigo ang tangkang pagnanakaw sa isang bahay sa Naga City, Cebu dahil sa pagiging alerto ng isang aso.

Kuwento ng residenteng si Atche Na, Hulyo 31 ng umaga nang puwersahang sinira ng suspek ang lock ng bahay ng kaniyang kapatid upang isagawa ang panloloob. Pero hindi lingid sa kaalaman nito, nakaabang pala sa loob ang alagang German Shepherd na kinilalang si Scar.

Posible raw na sinunggaban at kinagat ni Scar ang sinasabing kawatan dahil sa mga nakitang dugo sa sahig.

Bumibili raw ng pagkain sa labas ang kapatid niya at asawa nito nang maganap ang insidente.

“Siguro may narinig siyang ingay at may naamoy na ‘di familiar sa kanya kaya ganiyan yung nangyari sa kawatan. Its not the Scar’s blood but its the thief’s blood. Scar is okay. Hes very okay. He’s done with his check ups and everything,”- saad ni Atche Na.

Masuwerte pa aniya ang salarin dahil nasa kulungan ang iba pa nilang alagang aso.

Nanawagan din ng tulong sa publiko ang pamilya para sa agarang ikadarakip ng suspek.

Ito ang kabuuang Post ni Atche Na sa kanyang FB account,


last friday, ge longkab ang balay sa akong ate (SA NAGA NI NAHITABO). They went out to buy foods. This was around 10AM in the morning ha. Unsa ka hawd. Si SCAR (german shepherd dog) ga tambay ra sa iyang cage open rana iyang cage sguro naka dungong siyang kisaw and di familiar sa iyaha ang tao mao ng nahitabu sa KAWATAN! Grabi ge unsa pag guba ang pultahan ug ang dugo nga ga katag. Dugo nas kawatan ha. Okay rajud among dog. Wala rajud ni siya na unsa jud. And mas swerte pa siya kay naa pay 6 ka dogs ddtu sa tangkal nga di lang open ilang cage. If open patu, ambot ug unsay itsura sa kawatan!! If naa moy na familiar nga daghan samad or pinaakan sa iro please tabang mog report ba. (Especially sa taga NAGA DIHA) PLEASE ! THANKS!


TRANSLATION: Last Friday my sister and his husband went out to buy foods. This was around 10am in the morning. Unfortunately, someone ones to steal in the house, luckily may isang aso si (SCAR) a German Shepherd Dog also a well trained dog na nasa cage lang niya naka tambay. Sguro may narinig siyang ingay at may naamoy na di familiar sa kanya kaya ganyan yung nangyari sa kawatan. Its not the Scar's blood but its the thief's blood. Scar is okay. Hes very okay. He's done with his check ups and everything. We also give him a big reward after he did. 🥰😍


No comments