any

LOOK! | Pinay, Nahalal Bilang Bagong Alkalde sa England



Isang Pinay sa England ang nahalal bilang bagong alkalde doon, matapos maging Councillor sa naturang lugar.

Nahalal at naluklok ang isang Pinay bilang bagong alkalde ng isang lugar sa England, United Kingdom noong Hunyo 24.

Sa pamamagitan ng isinagawang virtual annual council meeting online, pormal na itinalaga si Councillor Cynthia Barker bilang mayor ng Hertsmere borough, distrito na matatagpuan sa Hertfordshire, England.

Una nang nahalal bilang councillor si Barker noong 2015– siya rin ang kauna-unahanang Pinay na nabigyan ng pusisyon sa administrative district.


Nakaraang taon nang hawakan naman niya ang rekord bilang unang Pinoy na naging deputy mayor sa Hertsmere.

Sa inilabas na pahayag ni Barker sa Hertemere’s website aniya, “While it is disappointing that we weren’t able to mark the moment in the usual way, I am still so proud and honored to take on this role.”


Sabi niya, buo ang kanyang kaalaman sa kahalagahan ng isang alkalde lalo na sa panahon ngayon na puno ng takot at pag-aalala ang marami.

“The mayor serves as a figurehead for the whole of the Hertsmere community and can really help to bring people together,” dagdag niya.


Bilang alkalde, unang plano raw ni Barker ang lumikom ng pondo para sa National Society for the Prevention of Cruelty to Children, isang charity sa UK na tumutulong sa mga batang biktima ng child abuse.

Samantala, tubong San Pablo, Laguna si Barker at anak ng isang overseas Filipino worker sa UK.

Nakapagtapos siya ng Industrial Engineering degree sa Adamson University sa Manila at nagpasyang lumipat sa UK sa tulong ng kanyang ina.


Consultant din ito sa isang immigration law na nagbibigay ng payo sa mga kumpanya, pamilya at ilang indibidwal sa Home Office rules.

Napabilang din si Barker sa 100 Most Influential Filipina Women of the World na kinilala ng Filipina Women’s Network taong 2017.

Samantala, nakaraang taon lang nang mahalal bilang town mayor ng East Grindstead sa Sussex, England UK ang isa namang Pinoy nurse na si Danilo Favor.

3 comments:

  1. Congratulations! you're a great leader. God Bless you.


    ReplyDelete
  2. Hindi ako bilib. Why? Kasi ibamg bansa un pinagsilbiham nya. Imbes na dito sana sa sariling bansang Pilipinas. Nakakalingkot isipin na ung magagaling na pilipino at matitino sila pa ung nagagamit ng ibang bansa. At ang sariling bansa na pinanggalingan ay tuluyan nang tinalikuran at pinabayaan.:(

    ReplyDelete
    Replies
    1. Jonieli, Bakit kulang paba nang politician dyan sa Pilipinas? Palagay ko sobra sobra na ang mga politicians dyan, lalo na kasali ang mga artista at iba pang mga entertainers na naging politicians. You should be happy for her achievements and accomplishments where ever she is at. We all have a place on this earth. The world is so big and the Filipinos are spread worldwide, it means she have a chance to represent the Filipinos in that region but also to show the world that the Filipinos are smart and capable to lead and handle a position whether at home or abroad. Let's embrace her choice of path and let's be proud for her instead of criticizing her.

      Delete