any

'Kuya Wil' mamimigay ng 1,000 tablets para sa mga Estudyante!


Inanunsyo ni "Kuya Wil" na naka-order na siya ng nasa 1,000 andriod tablets na kanyang ipamamahagi sa mga maswerteng mag-aaral na mapapagkalooban nito.
Ayon pa kay kuya Wil, madalas niyang marinig sa kanyang mga tagasubaybay na ang nais na lamang nila ay para sa pag-aaral ng kanilang mga anak para sa darating na pagbubukas ng klase.

Ipinakita niya ang ilang sample ng tablet na kanyang ipamimigay. Nakikipag-ugnayan na rin si Kuya Wil sa Department of Education upang mailatag pa sa kanya ang posibleng tulong na kanyang maibibigay lalo na at bago ang sistema ng edukasyon ngayong taon bilang pag-ingat pa rin sa COVID-19.

Wowowin: Kuya Will, mamimigay ng mahigit 1,000 na android tablets! - YouTube

Matatandaang kamakailan lamang ay namahagi si Kuya Wil ng tulong sa mga tsuper na ilang buwang walang kita at napilitang mamalimos upang may maipakain sa kanyang pamilya. Sa post mismo ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB),
ipinakita nito ang mismong proseso ng pamamahagi ng P5 million pesos na inilaan ni Kuya Wil para sa mga jeepney drivers noong nakaraang linggo.

Tiyak na maraming estudyante ang maayos na makapag-aaral ngayong taon sa dami ng mga mabubuting indibidwal tulad ni Kuya Wil na gumagawa ng paraan upang makasabay sila sa 'new normal' ng edukasyon. Inaasahan kasing pinal na ang petsang Oktubre 5 para sa pagbubukas ng klase ngayong school year 2020-2021.

Si kuya Wil ay isa sa kilalang artista, host at recording artist sa bansa. Isa siya sa mga "highest paid celebrities" sa bansa kaya naman hindi kataka-takang ganoon na lamang kalaki ang tulong at pagmamalasakit niya sa mga nangangailangan dahil marunong siyang mamahagi ng tinatamasang biyaya.

4 comments:

  1. Kuya will sana po mapili nyo po ako....at mabigyan nyo kami ng pira para sapag pananganak ko ....at my panganay po ako na ginagatas po .....
    Malapit napo ako manganak ngayung September po ....

    At sana po mabigyan nyo kami ng cellphone para my pang online buessnis po ...
    Emily cosmilla po.
    09052660336
    09292266543

    ReplyDelete
  2. Kuya will, sana po matulungan nyo ako. Mabigyan nyo rin mga anak ko para sa online schooling nila. Nakikitira lang po kami. PWD kaming mag asawa. Wveryfay po hirap makasurvive lalot maliliit pa kids.

    ReplyDelete
  3. Kuya will Sana Isa po ako na mabunot dahil may pito akong studyante at malaking tulong Yan para x pag aaral nla

    ReplyDelete
  4. sana po kua will mapili nyo rin po ako may tatlo po ako anak 2 mag aaral po s elementarya at isa mag 1st year high school ngaun pasukan malaking tulong po sana sa amin yan kahit tablet nlng po ok lng po yun. eto po # ko 09233018842 pasay city godbless you po at sa lahat ng bumubuo ng programa nyo..

    ReplyDelete