any

kawawang misis na may karamdaman iniwan ni mister!


Isang netizen ang nagmalasakit na humingi ng tulong para kay Renalyn kaya naman nakarating ito sa atensyon ni Archie. Pawang ang pagtulong sa mga kababayan nila sa Aklan ang laman ng kanyang mga vlogs kaya naman hindi sila nag-atubiling hanapin ang pamilya ni Renalyn.

Sa pagpunta ng grupo ng "Pobreng Vlogger," hindi na nila naabutan pa si Renalyn na noo'y isinugod na pala ng ama sa ospital.

Nadatnan na lamang nila ang mga anak nito at bahagyang napagkwentohan nila ang tungkol sa buhay ni Renalyn. Di nagtagal ay nakabalik na rin ang ama ni Renalyn at doon nalaman ng grupo ng vlogger na nasa ospital na nga ang kanilang pakay.


Nalaman din nilang dating construction worker ang ama ni Renalyn na sa kabila ng edad na 67 ay umaasang makakabalik pa sa hanapbuhay. Isa kasi siya sa mga naapektuhan ang trabaho buhat nang mag-lockdown kaya nabubuhay sila ngayon sa mga panananim nila. Dahil dito,

iniabot na ni Archie ang handog nilang tulong sa pamilya ni Renalyn. Mayroon ding mga tulong pinansyal mula sa mga sponsors ng programa na ibinigay din sa ama ni Renalyn.

Kilala si Archie Hilario sa Aklan dahil sa pagtulong niya sa mga hirap at naghihikahos niyang kababayan. Minsan pa nga nilang natulungan ang mag-asawang nakatira lamang sa sira-sirang tent at napatayuan pa nila ito ng munting tahanan. Makalipas ang ilang buwan, binisita pa rin nila ang mga ito upang masiguro na nasa maayos pa ring kalagayan ang mga ito.




No comments