any

John Regala, Nanawagan sa mga Inampon nya noon na Iniwan sya Ngayon


May panawagan ang aktor na si John Regala sa mga inampom nya noon na tinuring nya na parang tunay na anak at pinalaki ng maayos.

Ayon kay John Regala ay matuto lang umano magpasalamat ang mga inampon nya noon dahil kahit di nya daw umano ito kaano-ano ay minahal nya at tinuring nya ito na tunay na anak.


"Para sa mga itinuring ko na mga anak sana man lang matuto kayo magpasalamat sa nagpalaki sa inyo dahil hindi ko naman kayo kaano-ano pero ang pagmamahal na ibinigay ko sa inyo ay katulad ng tunay na anak, magpakabuti kayo mga anak alam ninyo mahal ko kayo"- saad ng aktor.


Tinaningan na daw umano si John Regala ng kanyang Doktor ng limang taon, at sa kabutihang palad ay nadugtungan pa ito at pang-anim na taon na ngayon.

Malaki ang pasasalamat nya kay Sir. Raffy Tulfo dahil tinulungan umano sya nito sa kanyang gastusin sa pagkain at sa pagpapagamot nya.

Sinabi pa ng Aktor na kung sakali na bumigay na ang kanyang katawan ay babaunin nya ang utang na loob kay Sir. Raffy sa hukay.

"Ser raffy saludo ako sayo maraming maraming salamat po sa tulong na ibinigay ninyo sa akin at pipilitin ko po na gamitin ito sa pagpapalakas ng aking katawan, ser raffy kung bumigay man aking katawan isa lang sasabihin ko sa inyo babaunin ko po yung utang na loob na yun sa hukay."- sabi ni John Regala kay Sir. Raffy Tulfo.


Ito ang kabuuang saad ng aktor na si John Regala,

"Delight na lang po iniinom at kinakain ko ganun pala talaga kapag wala ka ng pera kakalimutan at pababayaan ka nila, hindi po ako makalakad ngayon manas po paa ko may sugat pa. Bumagsak ako noong akoy nagpapagupit mahina na po ang tuhod ko kaya madalas ako tumumba, kulang ako sa potassium hindi ko naman maipagamot. Maraming salamat kay Carlo, magpapasuwero ako noon kasi 13 days na po ako di kumakain yun po ang totoo, puro sugat at gasgas na po aking liver at may tubig na tiyan ko. Kapag sumakit namimilipit po ako sabi ng doctor 5 taon lang ang itinatagal ng mga katulad ng karamdaman ko.


Hindi ko Alam kung anong oras ako mawawala dahil unang-una po dahil bigla na lang ako aatakihin sa puso pang 6 na taon ko na ngayon kaya malaki po ang pasasalamat ko sa tulong ng diyos na hindi ako pinababayaan. Di ako binibitawan ng Iglesia ni Cristo sila po gumagabay at nag-aalaga sakin ngayon, Maraming salamat po sa tulong wala na po ako tinuturing na kamag-anak dahil tinalikuran na nila ako wala sila noong namatay aking ina. 


Ang sunget po ng pagsubok pilit akong kumakapit sa ama may anak po ako sa amerika pero hindi niya po ako nakilala bilang ama, pinalaki ko mga anak ko sa mga magandang pangaral lahat noon ibinibigay ko sa mga anak ko dahil dati madami pa tayong pera ngayon wala na. Natatakot ako baka bigla na lang ako hindi magising hindi ko makita yung anak ko sa America. 


Balak niya din mag artista, anak ko antayin mo ako kahit anong mangyari magkikita tayo, mahal na mahal kita anak lagi mo tandaan anak mahal na mahal kita hinding hindi ako magsasawa na isipin ka para sa mga itinuring ko na mga anak sana man lang matuto kayo magpasalamat sa nagpalaki sa inyo dahil hindi ko naman kayo kaano-ano pero ang pagmamahal na ibinigay ko sa inyo ay katulad ng tunay na anak, magpakabuti kayo mga anak alam ninyo mahal ko kayo. 


Ser raffy saludo ako sayo maraming maraming salamat po sa tulong na ibinigay ninyo sa akin at pipilitin ko po na gamitin ito sa pagpapalakas ng aking katawan, ser raffy kung bumigay man aking katawan isa lang sasabihin ko sa inyo babaunin ko po yung utang na loob na yun sa hukay. Kaya kulang po ang salitang salamat, salamat po ulit hindi pa din po ako kumakain hanggang ngayon puro tubig lang po "- John Regala.

No comments