Handang Ipatupad ng DSWD ang Pamimigay ng 3rd Tranche ng SAP
Pamimigay ng 3rd Tranche ng Social Amelioration Program (SAP), handa umanong ipamigay ng DSWD kung mayroong batas na minamandato ito.
Handa ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na ipatupad ang ikatlong bugso o third tranche ng Social Amelioration Program (SAP) kung mayroong batas na nagmamandato nito.
Ito ay kasunod ng pagdedeklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) sa Metro Manila at kalapit na lalawigan.
Ayon kay DSWD Spokesperson Irene Dumlao, kailangang may maipasa ang Kongreso na batas na nagbibigay ng third tranche ng SAP para ipatupad nila ito.
Ang pahayag ng DSWD ay kasunod ng pagpapaubaya ng Malacañang sa Kongreso sa pagpapasya kung mamamahagi ng SAP 3 sa mga residenteng apektado ng MECQ.
3rd tranch agd wala.pa nga sa mga waitlisted..paano namn kming mga walang natanggap ni isa...
ReplyDelete3rd trance??? eh di wow!!!!!!!!!!!
ReplyDeleteung 2nd tranche nga eh inabot kayo ng siyam-siyam ano pa ung 3rd tranche.. s
Panu po ang katulad ko may pamilya din po ako hanggang ngauyon hindi parin po nkakatanggap simula pa po ng 1st hanggang ngaun po 2nd at 3rd wala prin po
ReplyDeletekami po wala pa pong natatangap na txt mula dswd.june pa po kmi pumirma.ng pangalawang ayuda.kahit 8000 po wala kming natatangap.dito po kmi sa barangay 14.kaloocan city.
ReplyDeleteAko po senior citizen at diabetic ..nakapirma sa SAP form ..Di ako qualify daw dahil mag isa lamang sa bahay....Di ako nakakabayad ng inuupahan ko since lock down at nahingi lamang ako sa mga kapatid at anak ng tulong since affected din sila ng pandemia..Di nila binalik sa akin ang SAP form ng aming baranggay.sana mabigyan ako ng pansin. .stay safe everyone Maraming salamat po.
ReplyDelete