any

DSWD, Sinigurado na Makakakuha ng SAP ang lahat ng Kwalipikadong PUV Drivers



Sinigurado umano ng DSWD na makakatanggap ng Social Amelioration Program (SAP) lahat ng kwalipikadong PUV Drivers.



Matapos magreklamo kay Pangulong Rodrigo Duterte ng Public Utility Vehicle (PUV) drivers dahil hindi sila naabutan ng financial assistance sa ilalim ng Social Amelioration Program (SAP), inanunsyo ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na makatatanggap ng SAP fund ang lahat ng qualified Transport Network Vehicle Service (TNVS) at Public Utility Vehicle drivers na nasa listahan na isinumite ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Para maiwasan ang anumang duplication sa ibibigay na tulong, isinasailalim muna sa validation at name-matching process ang listahan.


Paliwanag pa ng DSWD, lahat ng drivers na hindi napasama sa listahan pero karapat-dapat na mabigyan ng tulong ay kasama sa SAP waitlisted beneficiaries.


Sa ngayon, may ₱323.3 million na pondo sa Landbank branches sa Metro Manila na magagamit na subsidies para sa 40,418 drivers ng TNVS at PUVs.

Base sa datos, may 24,067 driver-beneficiaries mula sa National Capital Region (NCR) ang nakakuha na ng cash aid.

Nasa, 21,610 motorcycle taxi drivers at 36,104 PUV drivers ang nakatanggap din sa pamamagitan ng GCash transfer.

Karagdagan pa ang 88,808 non-LTFRB certified drivers sa NCR na nag-benepisyo ng bigay na tulong.

2 comments:

  1. Yung mga taxi driver na naka kuha ng 1 tranche kasama pa rin ba sa 2nd tranche.

    ReplyDelete