DSWD, Naipamahagi na ang P81 Billion ng 2nd Tranche ng SAP
Naipamahagi na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa higit sa P81 Billiong emergency cash subsidy sa ilalim ng second tranche ng Social Amelioration Program (SAP).
Ayon umano kay DSWD Secretary Rolando Bautista, nasa 13,555,555 beneficiaries ng 2nd Tranche ng SAP ang nakatanggap na ng kanilang cash aid.
Katumbas nito ang 95% ng target ng DSWD na mga beneficiaries ng SAP 2.
Sinabi ni Bautista na kailangang hintayin ng mga Local Government Unit (LGU) ang pagpasa ng Bayanihan to Recover as One Act o Bayanihan 2 para direktang manggaling sa kanila ang distribusyon ng SAP aid at hindi na dumadaan sa DSWD
Tiniyak umano ni Bautista na patuloy silang susunod sa ilalim ng batas.
Nilinaw rin ni Bautista na hindi lahat ng tumanggap ng SAP sa unang tranche ay makatatanggap ng financial assistance sa ilalim ng second tranche ng SAP.
Ang SAP 2 beneficiaries ay dumaan sa validation at deduplication processes para matiyak na tanging mga kwalipikadong benepisyaryo ang makatatanggap ng ayuda.
Nagbabala ang DSWD sa mga benepisyaryo na huwag ibigay ang Personal Identification Numbers (PIN) at reference numbers sa mga hindi kakilala para maiwasang mabiktima ng scammers.
Source: RMN
No comments