DSWD, Magkakaroon ng Community Validation para sa mga Mahihirap na Pamilya
Magsasagawa umano ang DSWD ng community validation sa inisyal na listahan ng poor households sa susunod na buwan.
Inanunsyo ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na magkakaroon ng community validation sa inisyal na listahan ng mahihirap na pamilya sa susunod na buwan.
Ayon sa DSWD, na-assess na nila ang higit 13.5 million households sa ilalim ng “Listahanan 3” o ikatlong bahagi ng assessment sa mga mahihirap na pamilya sa bansa o National Household Targeting System for Poverty Reduction (NHTS-PR).
Ang kagawaran ay maglalabas ng initial list ng poor households na ipapaskil sa mga komunidad para sa validation at finalization phase.
Sa ilalim ng nasabing phase, ang lahat ng ipapasok na impormasyon na nakalagay sa household assessment form (HAR) ay dadaan sa Proxy Means Test.
Paglilinaw ng DSWD, ang mga mapapasama sa Listahanan 3 ay awtomatikong makatatanggap ng anumang cash assistance mula sa pamahalaan o mapapasama sa anumang programa.
No comments