any

DSWD, Higit sa P63 Bilyon na ang Naipamahagi sa 2nd Tranche ng SAP



Ayon sa DSWD, umabot na ng P63 bilyong halaga ang naipamahagi nila sa 2nd tranche ng Social Amelioration Program (SAP).


Higit P63.2 bilyon na ang naipamahaging second tranche ng Social Amelioration Program (SAP).


Ayon kay Department of Social Welfare and Development (DSWD) Spokesperson Irene Dumlao, katumbas ito ng 69.2% o higit 9.7 milyong pamilyang benepisyaryo ng SAP.

Kabilang aniya rito ang higit 1.3 million Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) beneficiaries, 5.1 million low-income non-4Ps families at mahigit 3.2 million waitlisted families.

Tiniyak naman ni Dumlao na patuloy ang pamamahagi ng emergency subsidy sa mga benepisyaryo ng SAP, kabilang ang “waitlisted” families.



Mayroon na rin aniya silang catch-up plan para maabot ang target deadline sa pamamahagi ng ikalawang bugso ng ayuda sa ikalawang linggo ng Agosto.


Pagtitiyak ni Dumlao, nakikipag-coordinate sila sa kanilang Financial Service Providers (FSP) para matugunan ang mahahabang pila sa remittance centers.

Apela ng DSWD sa SAP 2 beneficiaries na magtungo lamang sa remittance centers para sa kanilang scheduled payout.

2 comments:

  1. may ilalabas pa po ba na mga pangalan ng mga waitlisted dito sa Bangkulasi Navotas? hinge po kasi nakasama ang pangalan ko, solo parent po ako.

    ReplyDelete
  2. May makukuha pb kmi?ung unang tranch bkit 2k lng ntanggap ng anak q...no work no pay aq at solo parent pa wlang natanggap.Bkit ganun?

    ReplyDelete