DSWD, Higit sa 13.1 Million Beneficiaries na ang Nakatanggap ng 2nd Tranche ng SAP
Ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) higit 13.1 million beneficiaries na ang nakatanggap ng 2nd tranche ng SAP
Umakyat pa sa higit 13.1 million beneficiaries ang nakatanggap ng second tranche ng emergency cash subsidy sa ilalim ng Social Amelioration Program (SAP).
Katumbas nito ang 93% ng kabuuang target na 14.1 milyon na pamilya.
Kabilang sa mga nakatanggap ng SAP 2 ay 1.4 million beneficiaries ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), 5.7 million low-income at non-4Ps recipients, 3.11 million “waitlisted,” low-income, at non-4Ps households, 1.7 million “waitlisted” beneficiaries mula sa mga lugar na inilagay sa Enhanced Community Quarantine (ECQ), 128,074 Transport Network Vehicle Services (TNVS) at Public Utility Vehicles (PUV) drivers.
Pagtitiyak ng DSWD na ginagamit nila ang lahat ng paraan at nakikipag-coordinate sa mga local government units (LGUs) at Financial Service Providers (FSPs) para matapos ang distribusyon ng SAP sa lalong madaling panahon.
bakit d2 sa lugar namin hindi sabay sabay sa bigayan ng ikalawang ayuda.brgy.baculong victoria tarlac.
ReplyDelete