DSWD, Bigong maabot ang Deadline sa Pamamahagi ng 2nd Tranche ng SAP


Nabigo ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na tapusin ang pamamahagi ng second tranche ng Social Amelioration Program (SAP) sa target deadline nito na katapusan ng hulyo, para maipa-abot ang ayuda sa 17 million low income families.



Ayon kay DSWD Secretary Rolando Bautista, ang target deadline sana sa pamamahagi ng ikalawang ayuda ay nitong Hulyo 31 ngunit posible pa ito abutin ng Agosto 15, 2020.



Aniya, isa sa rason sa mabagal na pamamahagi ng SAP ay dahil ang karamihan sa mga benipisyaryo ay nakatira sa mga liblib na lugar na mahirap maabot.



Sa ngayon, umabot lang sa 8,405,298 low-income na pamilya ang nabigyan ng ikalawang bugso ng SAP na nagkakahalaga ng ₱55.1 bilyon.

6 comments:

  1. Bakit po ako ..nasa list napo ng dswd sa grab driver po..wala parin text si dswd ..yung iba meron napo

    ReplyDelete
  2. Liblib na lugar naba ang ncr?bkit gang ngayon wlpa dito sa makati?

    ReplyDelete
  3. Mam sir tatanong ko lang po sana kung ano po ibig sabihin na CLH MORONG

    ReplyDelete
  4. Ako din wala pa po dto s maly san mateo mateo rizal sana po makuha na nmin s second tranche malaking tulong po yun salamat

    ReplyDelete
  5. Gud Day po ask ko lng po ano susunod n gagawin nmin kung sakaling binigay n po sa amin ang kalahating ng form ng sap nmin for 2nd tranche.. Thanks paki inform nlng po ako 09463491039 salamat and godbless u all..

    ReplyDelete
  6. bt wla p sa estrella homes gaya2 san jose del mnte bulacan di p kmi tinatawagan asa amn p yung isang form n fill up nmn s 1st tranche sabi meron p kmi mkuha s 2nd bt wla p po di kc kmi nkapag registereds app.panu kya yun panu mkuha ang 2nd tranche ngaun meco na2mn wla p yung pangalawang ayuda

    ReplyDelete