any

Dating Manila City Mayor Alfredo Lim, Pumanaw na sa Edad na 90-Anyos



Dating Manila Mayor Alfredo Lim, Pumanaw na sa edad na 90 taong gulang.



Kinumpirma ng apo ni dating Manila Mayor Alfredo Lim na pumanaw na ang kaniyang lolo.



Sa facebook post ni Paul dela Cruz, labis itong nagpasalamat sa mga naging tulong at gabay sa kaniya ng dating alkalde.

Nagpasalamat din si dela Cruz sa mga nag-alay ng panalangin at nagpa-abot ng suporta sa kaniyang lolo hanggang sa huling sandali.


Sa naturang post, bumuhos naman ang pakikiramay ng netizens sa naiwang pamilya ni dating Mayor Lim.



Kahapon, unang napaulat na pumanaw na si Lim sa sakit na COVID-19 pero pinabulaanan ito ng kaniyang Chief of Staff na si Ric de Guzman.

Ito ang kabuuang Post ng Apo ni Lim,



Lolo maraming maraming salamat sa lahat lahat ng bagay na binigay at naitulong mo sa akin para maging maganda at maayos ang buhay ko. Maraming salamat din sa mga pinayo mo sakin lalo pag dalawa lang tayong mag kasama sa kotse na ngayon palang sobrang namimiss kita at naiisip kita everytime na nag ddrive ako. Sobrang hinangaan kita sa maraming bagay na alam ko na kaya ka minahal at nagustuhan din ng maraming tao. Napaka bait mong tao na binigay ni God sa buhay namin. Napaka laki ng utang na loob ko sayo na hindi ko mararating ang maraming mga bagay ng hindi dahil sayo. Mahal na mahal kita hindi ko man nasasabi sayo lagi yan pero ikaw ang isa sa pinaka importanteng tao sa buhay ko na mahal na mahal ko.

Hinding hindi kita makakalimutan buong buhay ko. ..


Paalam at maraming salamat lolo, tatay , idol , dirty harry , katapat Mayor ALFREDO S. LIM. 🙏🏽❤️

Sa mga nag dasal, nag alala, nag mamahal at mga patuloy na sumuporta po kay mayor hanggang sa huli maraming maraming salamat din po sa inyo.


No comments