any

Dahil sa hirap ng buhay ngayon nagbebenta nalamang si tatay ng artworks para may makain.



Nag-viral ang larawan ng isang lalaking mahusay magpinta at binibenta ang mga obra sa halagang P100 Ayon sa uploader ng larawan nito, halos hindi raw makapagsalita ang matanda nang ito ay kausapin niya dala marahil ng panghihina at di pa raw ito kumakain.


Kahangahanga raw ang mga larawang pinta ng lalaki na yari lang sa oslo paper at mga improvised gel pens Bukod sa wala na itong makain, nauubusan na rin daw ito ng mga materyales sa paggawa ng kanyang mga obra

Base sa ulat ng ABS-CBN, hindi na raw naitanong pa ng uploader ng larawan na si Inna Arriana ang pangalan ng lolo dahil hindi rin daw ito gaanong nagsasalita. Napansin din daw ni Inna na improvised gel pens at oslo paper lang ang gamit nito sa paglikha ng kanyang mga obra.

Lalaking mahusay magpinta, nagbebenta ng kanyang artworks para may ...


Sa panayam pa ng Philippine Star sa uploader, nasabi raw ng isa pang vendor sa lugar na tila hindi nakakakain ang matanda kaya marahil naisipan nitong ibenta ang mga naipinta niya para may pambili ng pagkain.

Ayon pa sa Radyo Singko 92.3 News FM, matatagpuan umano ang pintor na ito sa Salinio Drug Store sa Waterfun, Cuasay Road, C5 Taguig City. Ayon pa kay Inna, may gcash daw ang matanda at mas maganda raw kung direkta itong matutulungan.

"Frame na lang kulang and it can spice up your boring wall/s. And nakatulong pa kayo sa kanya at sa pamilya niya," ayon pa kay Inna. Hangad ng marami na matulungan ang lalaki at ninanais din nilang makatulong lalo na at gumagawa talaga ito ng paraan may kitain sa panahon ng krisis na ramdam ng bawat isa sa atin.


Ginamit niya ang kanyang talento upang kumita sa marangal na paraan kaya hangad ng marami na dagsain ito ng tulong lalo na isa siyang mabuting tao na nais lamang maghanap-buhay.

No comments