any

Blind Balladeer na si Carl Malone Montecido, Wagi sa International Contest



Wagi sa International Contest si Carl Malone Montecido, na Blind balladeer ng Bacolod matapos talunin ang mga kalaban nito sa Contest.


Nagdala ng karangalan sa Bacolod City ang visually-impaired singer na si Carl Malone Montecido, matapos makipagsabayan sa World Championships of Performing Arts (WCOPA) Virtual 2020 nitong Linggo.


Sa unang pagsabak sa WCOPA, nakamit ni Montecido ang silver medal sa 18-24 Senior Vocal Variety category.

Pasok din ang balladeer bilang semi-finalist ng Senior Vocal category na nilahukan ng 70 na bansa.

Binihag ni Montecido ang manonood sa sarili niyang rendition ng “I Don’t Want to Talk About It” ni Rod Steward.

Ginanap virtually ang WCOPA 2020, dahil sa kasalukuyang pandemya ng COVID-19.

Sa Facebook post, pinasalamatan ng singer ang lahat ng sumuporta sa kanya sa naturang kompetisyon.



Inalay niya rin ang tagumpay sa asawang si Cris Khen at kanilang anak, na nagsilbi niya aniyang inspirasyon sa laban.

Ito ang kabuuang post sa FB,


"First of all thank you so much for this wonderful experience i am so thankful to be part of the team philippines thank you so much to all the people who supported me all throughout my ever supportive teacher Rhea Tardaguela Lizada thank you mis sa pag trust sa abilidad ko nga gin hatag saakon sang ginuo i would like to say thank you as well to congressman greg gasataya to all the teachers in bacolod city national high school thank you so much to our loving principal sir warlito rosarial thank you so much sir i remember the last time you told me anak please bring the bacon this is it sir to all the students thank you so much guys for trusting me thank you so much for your undying support and love saakon man mga friends and classmates salamat and of course sa dep Ed nga nag salig gid sa ikasarang ko madamo gid nga salamat mga mam and sir proud to be bacolodnon Indi Kona kamo ma isaisa piro Ang victory nga ini is Indi Lang Akon kundi para sa aton tanan I love you guys saaking pamilya salamat din sainyo saaking Asawa Cris Khen Marcelino Montecido and saaking anak para saatin to sana maging proud kayo saakin i'm still praying that this is just the start of our success god bless you everyone have a nice day"


No comments