any

Balik sa MECQ ang Metro Manila at Karatig Lugar nito



Ibabalik na sa MECQ ang Metro Manila at mga karatig lugar nito mula August 4, ayon kay Pangulong Duterte.

Inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte na muling ibalik sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ang Metro Manila, Laguna, Cavite, Rizal, at Bulacan simula bukas, August 4, 2020.


Ito ay matapos dinggin ng Pangulo ang apelang “time out” ng mga healthcare worker sa gitna ng lumolobong kaso ng COVID-19 sa bansa.

Sa kaniyang public address, iginiit ni Pangulong Duterte na hindi na niya kayang ilagay sa mahigpit na quarantine measures ang bansa dahil kinakapos na sa pondo ang pamahalaan.

Ipinaabot ng Pangulo ang kaniyang simpatya sa medical frontliners dahil sa hirap at pagod na kanilang ginugugol para malabanan ang pandemya.



Apela ng Pangulo sa mga health frontliners na huwag bumitaw sa laban dahil kailangan sila ng bansa.

Hindi na rin kailangang isigaw ng mga health worker sa publiko ang kanilang hinaing dahil maaari naman silang magpadala ng sulat o humingi ng panauhin sa MalacaƱang kung hiling nilang itaas ang community quarantine status sa Metro Manila.

Hinimok din ni Pangulong Duterte ang mga healthcare workers na huwag mawalan ng pag-asa at habaan pa ang pasensya sa paglaban sa pandemya.

No comments