any

Ama, Pinapabili ng Anak ng Cellphone na may 6GB RAM /64GB ROM para sa Online Class



Isang Ama ang problemado kung saan makakabili ng cellphone na mura na pinabibili ng kanyang anak.

Ngayong may pandemya ay hirap ang halos lahat sa atin na kumita ng pera, kaya wag nating abusuhin ang ating mga magulang upang makuha lang ang hinihingi nyong gadget para sa online class.


Tulad na lang ng isang Ama na pinapahanap umano ng kanyang anak ng Cellphone na may 6GB Ram/64GB Rom na gagamitin daw nito sa Online Class.

Sabi daw umano ng kanyang anak sa kanya ay yun daw ang requirements na Cellphone na gagamitin sa online class.


Kaya naghahanap ang kanyang Ama ng ganung Cellphone na kakasya umano sa budget, ngunit di alam ang Ama na mahal ang may ganung uri ng Cellphone.

Ang pera ng kanyang Ama ay P3,000, kaya pilit naghahanap ang Ama na ito sa mga tindahan ng Cellphone na ganung uri ng hinahanap nya sa halagang P3,000.


Meron talagang mga anak na lolokohin ang magulang makuha lang ang kanilang gusto, at dahil porsigido ang magulang na pag-aralin ang mga anak ay ginagawan nila ng paraan para maibigay ito.

Kung alam naman ng mga anak na hirap sila sa pera ay wag ng humingi ng mamahaling gamit dahil pinapahirapan lang nila ang kanilang mga magulang.


Ito ang kabuuang Post sa FB Page,

PLEASE! PLEASE! PLEASE!
Wag kayong mag DEMAND ng subra sa parents nyo! Lalo nat wala silang maibigay 😞 Pandemic ngayon intindihin nyo na mahirap kumita/kitaain yung pera. πŸ˜” Si Tatay pumunta sa shop namen, Naghahanap ng murang phone daw na. May
6GB RAM /64GB ROM para daw pang online class ng anak nya 😞 Nagulat ako kasi hnd naman ganun ang requirement, yun daw ang sabi ng Anak niya 😞 Nagsinungaling pa yung Anak. Nakakaawa lang yung mga ganto πŸ™

Frustrated na si Tatay, san ka nga ba naman makakahanap ng 3,000 na may 6gb ram 😞
Ctto
πŸ“Έ Je han



2 comments:

  1. salbaheng anak, di naiintindihan ang kalagayan o kabuhayan ng magulang nya, kung ano sana maibigay sayo ng magulang mo tanggapin mo, di naman kailangan mamahaling cellphone ang gagamitin sa online class eh .. mag xiaomi redmi ka, mura pa yun marami na gumagamit nun sa mga mag oonline class, wag mo na pahirapan sana ang magulang mo pls.πŸ™ ako noon hirap din kami at maraming kailangan sa school pero never ako nag demand ng isang bagay na d tlaga kayang ibigay ng magulang ko dahil naiintindihan ko ang kalagayan nila, sana pagpalain ng diyos si tatay sa pagiging mabait na ama sa kanyang mga anakπŸ™πŸ™

    ReplyDelete
  2. TAY WAG PO KAYO MANIWALA DYAN SA SA ANAK NIYONG WALANG KWENTA..BILI LANG NG 32GB OK YAN.

    ReplyDelete