any

99-Anyos na Matanda, Tinanghal na Pinakamatandang Piloto at Flight Instructor sa Mundo


Isang 99-anyos na babae mula California, USA ang kinilala ng Guinness World Records bilang oldest flight instructor at active pilot.

Nasungkit ni Robina Asti ang dalawang titulo matapos isagawa ang huli niyang flight lesson noong Linggo sa NextGen Flight Academy sa Riverside Municipal Airport.


Ilang dekada ring nagturo si Asti ng pagpipiloto at gusto niya raw patunayan na kahit senior citizens ay kayang magkaroon ng makabuluhang kontribusyon.


“I love getting people to experience what it’s like to lift off this Earth. It is so good,”- saad niya sa panayam ng KABC-TV.

Binasag ng flight instructor ang titulong dating hawak ng lalaki mula sa Iowa na nagpalipad ng eroplano sa edad na 98.

No comments