any

72-Anyos na Lolo, Gumawa ng Pwesto sa Itaas ng Puno para sa kanyang Apo na Mag-Aaral ng Online Class



Isang 72-anyos na lolo ang gumawa ng paraan para makakuha ng magandang signal ang kanyang apo para sa pag-aaral nito sa online class.

Kahit masakit umano ang tuhod ni Lolo Florentino Bernadas na taga Guiwanon, Nueva Valencia, Guimaras, gumawa pa rin ito ng paraan para gawan ang kanyang apo ng pwesto sa taas ng puno dahil doon lang umano ang may magandang signal.




Si Jennylyn Mae Casipit ay isang grade 12 student sa University of Negros Occidental-Recoletos, dahil may kumakalat na pandemya ay naantala ang pasukan sa eskwela kaya Online class ang naging paraan para maturuan ang mga estudyante.



Upang makapag-aral si Jennylyn ng maayos sa online class ay kailangan nito ng magandang signal para lubos nitong maintindihan ang kanilang pinag-aaralan, kaya naman kahit matanda na ang kanyang lolo ay ginawan sya ng pwesto sa itaas ng puno dahil dito lang umanoa ng may magandang signal.



Gumawa si Lolo Florentino ng isang ligts at komportableng pwesto sa itaas ng puno para sa kanyang apo para makapag-aral ito ng maayos.



Pangarap umano ni Jennylyn na maging pulis kaya nagpupursigi sya sa pag-aaral.



Inaasahan nya na sa pamamagitan ng kanyang kwento ay mahikayat nya ang kapwa nya estudyante na bigyang kahalagahan ang edukasyon para sa kanilang magandang hinaharap.

No comments