51-Anyos na Ina, Humukay ng Lagusan para Patakasin ang Anak na nasa Kulungan
Isang Ina ang naaresto dahil naghukay ng lagusan para patakasin ang anak na nakakulong.
Arestado ang isang 51-anyos na ginang sa Ukraine matapos mahuling naghuhukay ng lagusan para patakasin ang anak na bilanggo.
Batay sa ulat, nangupahan ang ina malapit sa bilangguan saka patagong naghuhukay gabi-gabi.
Gamit ang pala at piko, nagawa nitong humukay ng lagusang 10 talampakan ang lalim at 35-talampakang haba hanggang sa pader ng bilangguan.
Naaresto ang nanay matapos ang tatlong linggo nitong palihim na paghuhukay.
Hinala ng isang residente, laki sa pamilya ng minero ang ginang.
Yn n pinapakita lamang Ng nanay n pagmamahal s anak gagawin lhat pr matulungan Ang anak khit ngkasala cya
ReplyDelete