Watch! Pinakamatandang tao na nabubuhay sa mundo, posibleng nasa Pilipinas sa edad na 122
Sa ulat ni Oscar Oida sa GMA News "24 Oras" nitong Martes, kahit 122 taon na si Lola Francisca Susano, ay naglalaro pa rin siya ng harmonica para ma-exercise daw ang kaniyang baga.

Nang tanungin kung ano ang sikreto ni Lola Francisca, sinabi ng kaniyang apo na si Marlene Montes na mahilig kumain ng gulay at kahit papaano ay nag-e-ehersisyo pa ang kanilang lola.
"Nag-play siya ng harmonica para sa kanyang lung exercise every morning," saad ni Marlene. "Then kung minsan sinasabihan ko siya na magkanta kaming dalawa kasi palagi 'yang kumakanta."
Nagsasagawa rin daw ng simpleng ehersisyo si Lola Iska tulad ng paggalaw ng kaniyang ulo. Nasa tamang oras din ang kaniyang pagkain, at gulay daw ang paborito nito tulad ng kalabasa, talong, okra, at gabi.
Umiinom din daw si Lola Iska ng honey.
At dahil sa coronavirus pandemic, sinabi ni Marlene na doble ang pag-iingat nila sa tuwing nagpupunta sa bahay ng kaniyang lola.
"Before kami magpunta dun sa bahay ni Lola naliligo muna kami, naglalagay kami ng alcohol before kami mag-enter sa bahay ni Lola," sabi ni Marlene.
No comments