any

Watch: Michael V may pahayag matapos kumalat ang balitang siya ay pumanaw na!


Nabiktima agad ng fake news si Kapuso comedian Michael V. matapos niyang ianunsyo na tinamaan siya ng COVID-19.

Sa ngayo’y burado nang Instagram post, pinasinungalingan ni Bitoy ang kumakalat na article galing sa “GMA24ORASNEWS.BLOGSPOT.COM” na nagbalitang pumanaw na raw ang komedyante.

Muntik ako mahulog sa kama!': Michael V reacts to news that he's ...

“Muntik ako mahulog sa kama! Ingat po tayo sa mga ganito,” reaksyon dito ni Bitoy.

Aniya pa, “Gusto ko lang imulat ang mga tao sa dangers ng Covid pero ibang danger po ang ipi-prisinta n’yo sa pagkakalat ng mga ganito. Netizens, kayo na po bahala.”

Wala pa namang paliwanag ang komedyante kung bakit binura ang naturang post.

Michael V. tests positive for COVID-19

Nitong Lunes nang ibunyag ni Bitoy sa kanyang YouTube channel na nagpositibo siya sa COVID-19.

Gayunpaman, ipinagpapasalamat niyang negatibo sa sakit ang kanyang misis at iba pang kasama sa bahay.

“We’ll get through this. We’ve been through worse. Sobrang namimiss ko na ‘yung pamilya ko,” sabi niya sa video.

4 comments: