any

Watch! Lalaki tumakbo ng nakahubad palabas para habulin ang inakalang nakidnap na pamangkin.


Mistulang bayani ang pag-entra ng isang British uncle matapos itong magtatatakbo nang nakahubad palabas ng bahay nang akalaing na-kidnap ang kanyang 11-anyos na pamangkin.

Sa report ng The Sun, natutulog noon si Nathan Murphy, 29, nang makarinig ng sigawan mula sa labas ng kanyang bahay.


Sa kuha ng CCTV footage na ibinahagi sa YouTube ng JP Today News, mapapanood ang mga kaanak ni Murphy na tarantang nagsisigaw sa pag-aakalang ang batang si Lucy ang sinakay ng isang puting van.

Nagkagulo ang mga ito at sinubukan pang habulin ang umandar na sasakyan papalayo.

Tiyuhin, hubad na tumakbo palabas para habulin ang inakalang ...

Ayon kay Murphy, inakala niyang may gulo sa labas ng bahay nang buksan niya ang bintana ng kanyang kwarto.

Walang anu-ano ay bumangon siya mula sa pagkakahiga at dali-daling tumakbo palabas– na hindi namamalayang wala siyang kahit anong saplot sa katawan.


Sa pagmamadali raw kasi ay isang T-shirt na lang ang nahugot niya at mabilis na bumaba ng hagdan.

Aniya, nakarinig siya ng “Kidnap!” at doon niya umano naramdamang may kaguluhang nagaganap.

Sa video, makikita si Murphy na nagmamadaling tumakbo papunta sa umaandar na sasakyan ng kanyang tatay.

Ngunit dahil automatic itong nagsasara kapag may nagtatangkang pumasok, ilang segundo ring hubad na na-exposed si Murphy.

Kwento ni Murphy, habang pinagtitinginan daw siya ng mga kapitbahay ay biglang lumabas si Lucy at napag-alaman nilang hindi ito na-kidnap.

Samantala, nagsimula ang naturang false alarm nang makarinig daw ng malakas na tunog kasunod ng pagsigaw ang 40-anyos na nanay ni Lucy na si Natalie.

Inakala niyang ang anak ang inilagay sa likod ng van kaya nagsisisigaw itong humabol sa sasakyan.


Lahat sila ay tila nabunutan ng tinik nang makitang ligtas at nasa bahay lamang ang batang si Lucy.

Watch:



Source:facebook

1 comment: