VP Robredo may pahayag sa pagsasabatas sa Anti-Terror Law: “Nakapanlulumo”
Sa Biserbisyong Leni sa RMN Manila, inamin ng Bise Presidente na umasa siyang hindi ito maisasabatas dahil na rin sa malakas na pagtutol sa panukala.
Giit ni Robredo, hindi sapat ang safe guards at posibleng maabuso ang batas.
Inihalimbawa rito ni Robredo ang ginawang pagsasampa sa kanya ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ng kasong sedisyon na nakabase lang aniya sa kasinungalingan ng isang tao.
“Kahit expected nang pipirmahan, nung pinirmahan na, nakakapanlumo pa rin. ‘Yung defenders ng Anti-Terrorism Law, parating sinasabi kung wala ka namang ginagawang masama, dapat hindi ka matakot. Pero para tayong nagbobolahan dito. Merong safe guards pero hindi enough. Ang dapat parating presumption, parating may tendency na mag-abuso,” ani Robredo.
Sa kabila nito, naniniwala si Robredo na malinis ang intensyon ng Anti-Terror Bill.
Pakiusap lang aniya ng Bise Presidente, tiyaking wala itong butas para sa pang-aabuso.
“Hindi pa tapos yung laban. Ang hinihingi natin hinding-hindi magkakaroon ng Anti-Terrorism Law. Kung magkakaroon, siguraduhin yung safe guards,” dagdag pa niya.
source:rmn
Tama lang ang batas na Yan.
ReplyDelete