any

Tricycle Driver, Napagtapos ang mga Anak at Ganap ng Dentist at Pharmacist


Pinagmalaki ni Marga Santiago Suobiron ang kanyang ama na isang Tricycle Driver dahil napagtapos silang magkaptid nito ng kolehiyo.

Ayon kay Marga, matinding pagsasakripisyo ang ginawa ng kanyang Ama para mabigyan sila ng maayos at magandang buhay.



Nagbunga ang pagsusumikap ng kanyang Ama dahil ngayon ay ganap ng Dentista si Marga at isa na ring Pharmacist ang kapatid nyang babae.

Kuwento pa ni Marga, nagtatrabaho ang Ama nya sa bukid tuwing umaga bago sila ihatid sa eskwelahan at paghatid sa kanila ay maghapon na itong namamasada ng Tricycle.


“Kada kita niya sa pasada nilalagay nya yung ti-tig 5 pesos coins sa ibabaw ng drawer. Iniipon nya. Then pag may babayaran sa school dun sya kumukuha,”- saad ni marga.

Minsan daw ay humgingi si Marga ng halagang 20,000Php para sa proyekto nito, dahil sa suporta ng kanyang Ama sa kanila ay ginawan ito ng paraan ng kanyang Ama hanggang sila ay nakatapos.



"Humingi ako one time ng 20k pambili ng materials ko sa school. Sabi ko papa, kailangan ko ng 20k nextweek. Pambili ng dental materials. Di sya umaangal oo lng ng oo si papa. Gang sa nakagraduate ako ng college, nagpapasada padin si papa." - dagdag pa ng dalaga.


Nangako naman si Marga na susuklian nya ang lahat ng pagod at pagsisikap ng kanyang Ama dahil alam ni Marga kung gaano kahirap mamasada ng Tricycle para lang mairaos sila sa pag-aaral.


"Alam ko yung hirap ng tatay ko kakapamasada. Mainit, maulan, may bagyo o wala, alam ko ang hirap ng isang tricycle driver. Alam ko kasi nakikita ko ang tatay ko."- dagdag nito

No comments