Pagdinig sa Prangkisa ng ABS-CBN, Tinapos na ng Kamara



Tinapos na ng tuluyan ng House Committees on Legislative Franchises at Good Government and Public Accountability ang pagdinig para sa prangkisa ng ABS-CBN.



Kasunod nito, ay bumuo ng isang technical working group ang komite upang ayusin ang kanilang magiging rekomendasyon na nakabase sa “summation of issues” mula sa labing dalawang pagdinig na kanilang isinagawa.





Ang mabubuong rekomendasyon naman ang pagbobotohan ng komite kung bibigyan ng prangkisa ang giant network o hindi na.

Bukas ay magkakaroon ng pulong ang komite at inaasahan ding magsasagawa ng botohan kung matapos ang rekomendasyon.


Samantala, itutuloy naman ng Good Government and Public Accountability ang pagtalakay sa iba pang resolusyon na may kinalaman pa rin sa isyu ng prangkisa ng ABS-CBN tulad ng hindi pagtupad ng National Telecommunications Commission (NTC) sa nauna nitong pahayag na bibigyan ng provisional franchise ang ABS-CBN, ang sinasabing pang-iimpluwensya ng Office of the Solicitor General sa desisyon ng NTC at iba pa.

5 comments:

  1. Dapat lang na tapusin na at bigyan naman ng oras ang ibang problema ng bansa lalo na sa mga ofw....wala ng mapapala ang bansa dyan dami violation tapusin na ang frachise na yan

    ReplyDelete
  2. Sana bigyan nla chance na marenew Ang franchise Ng kapamelya network wla ako pinipiling channel at kinakampihan pero kdalasan tlga nmen pinapanoud Ang kapamelya network,,,,

    ReplyDelete
  3. Sana naman bigyan pa nla ng 1 chance ang ABS CBN channel para d nman ma walan mg trabaho ang mga nagtatrabaho as channel kawawa naman tapos marami naman clang natilungan tuwing NY sakuna sa ating bansa d naman cla nagpapabaya tumutolong naman cla d lang sa pera pati na personal at pag likigtas mg mga Tao basta we love ABS CBN 4 ever yan lng k c ang libangan naming mga ofw ang mga drama nla we support you ABS CBN

    ReplyDelete
  4. yung mga against po s pamumuno n pres.wag bigyan ng id kz minumura nila pangulo

    ReplyDelete
  5. Plss po SNA mbigyan nio p ng chance ang abs CBN wla ng magandang mapanuod s TV s kagaya po naming antenna LNG ang gsmit

    ReplyDelete