Taxi Driver, Nagsauli ng Pitaka na naiwan sa kanyang Taxi


Isang Taxi Driver ang nagsauli ng pitaka na naiwan sa kanyang pinapasadang taxi, naglalaman ang pitaka ng 4,000Php at mga ID.

Sa gitna ng krisis dulot ng coronavirus disease 2019 (COVID-19), umiiral pa rin sa puso ng mga Pinoy ang pagiging mabuti at matapat.


Umani ng papuri ang isang taxi driver sa Laoag City, Ilocos Norte matapos siyang magbalik ng pitakang naiwan ng kaniyang pasahero.


Kuwento ni Windell Jeorge Salvador, nililinis niya ang pinapasadang taxi noong Hulyo 1 nang mapansin ang wallet sa loob ng sasakyan.

Napag-alaman niyang isang binata na kinilalang si Aldrin Jay Corpuz ang may-ari ng pitaka na naglalaman ng halagang P4,000 at mga identification card.


Kaagad itong dinala ng 21-anyos na taxi driver sa Laoag City Police Station at nag-post din siya sa Facebook upang maisauli ang napulot na gamit.

Ayon kay Corpuz, hindi niya raw alam sa umpisa na nawawala ang wallet niya hanggang sa may makipag-ugnayan sa kaniyang ina tungkol dito.



“May nag-inform po sa nanay ko through text na lost and found ang wallet ko and pagkatapos ko po na-confirm, kasi hindi ko alam agad na nawawala ang wallet ko, tsinek ko muna sa bag ko"- saad ng binata.


Kaya labis ang pasasalamat at paghanga ng pamilya Corpuz sa katapatang ipinamalas ni Salvador.

Bagama’t matumal ang mga pasahero ngayong community quarantine, hindi pumasok sa isipan ng taxi driver na pag-interesan ang nakuhang wallet.

Tanging si Salvador ang nagtataguyod sa kaniyang mga kaanak dahil inaalagaan ng maybahay niya ang pitong-buwang-gulang nilang anak.

No comments