any

Pinoy sa Dubai, Himalang Naka-Recover matapos maging Kritikal ang Kondisyon dahil sa COVID-19


Isang Pinoy sa Dubai ang himalang naka-recover sa COVID-19 matapos makipaglaban sa sakit ng 72 araw at nag-negatibo.

Itinuturing ng isang Pinoy sa Dubai na isang himala na maka-recover at mag-negatibo sa COVID-19 dahil mahigit na dalawang buwan itong nakikipaglaban sa naturang virus.


Mahigit 72 araw nanatili sa Intensive Care Unit ang taekwando and black belter na si Francis Narafeliciano 46-anyos na tubong batangas, naka-Ventilator din ito sa loob ng 60 araw.

Noong Abril 14, nagtungo si francis sa Canadian Hospital dahil sa pagkakaroon ng dry cough, lagnat at fatigue.

Ayon sa head ng Ospital na si Dr. Hayder Matouk, naisugod na umano sa dalawang Ospital si Francis at ginamot at nakalabas din.


Hindi man umano sumailalim sa COVID-19 test si Francis ay nakitaan nila agad ito ng ilang sintomas kaya agad itong kinuhanan ng nasal swab test.

Sa sumunod na araw ay naging kritikal ang kondisyon ni Francis dahil bumaba sa 74 ang oxygen saturation nito.

“The patient was very critical and breathless and the non-invasive oxygen support was not helping him. He had to be shifted to the ICU and on mechanical ventilation with an induced coma.”- saad ni Dr. Matouk.


Mas lumala ang kalagayan ni Francis sa sumunod na dalawang buwan na halos sukuan na umano ng mga doktor.

Sabi ni Dr. Matouk, kinailangan nilang magsagawa ng tracheostomy para makahinga ang pasyente.

Habang naka-coma ay isang tube ang inilagay sa tiyan nito para patuloy ang pagpasok ng nutrisyon sa kanyang katawan.

Nang sumapit ang Hunyo ay unti-unti nang bumuti ang kalagayan ng pasyente matapos ang ilang beses na pagka-stroke at blood clots.


Samantala, saglit na nawalan ng memorya si Naratefeliciano matapos ang lahat ng kanyang pinagdaanan sa ospital.

At dahil sa tulong ng mga doktor na hindi napagod ay tagumpay na naisalba ang buhay nito.

Hunyo 28 nang sa wakas ay tanggalan ito ng ventilator at nagnegatibo na sa COVID-19.

Sa ngayon ay patuloy na lang siyang nagpapagaling at nagpapalakas sa ospital.

Malaki naman ang pasasalamat ni Naratefeliciano sa lahat ng doktor, sa kanyang asawa at mga anak niyang hindi umano umalis sa kanyang tabi sa gitna ng kanyang pakikipaglaban.

1 comment: