any

Pastor Quiboloy, May mensahe kay Vice Ganda at sa ABS-CBN


Muling nagsalita si Pastor Quiboloy tungkol sa paghamon sa kanya ni Vice Ganda tungkol sa pagpapahinto ng ilang bagay tulad ng pagpapahinto sa "Ang Probinsyano".


Sa live broadcast ni Pastor Quiboloy sa kanyang programang " Give Us This Day" kahapon, sinabi nito ang kanyang saloobin .

Muli nyang pinasaringan si Vice Ganda na humamon sa kanya na ipatigil ang Programa ng ABS-CBN na "Ang Probinsyano" at ang magpahinto umano ng Traffic sa Edsa.


“O, di Vice Ganda, alam mo na ngayon, hindi kayo makapangyarihan! Ang Amang nasa langit ang makapangyarihan. O challenge accepted, ‘yan ang napala niyo, di ba?" pang­uuyam ng "The Appointed Son of God" at "The Owner of the Universe," - saad ng Pastor kay Vice Ganda

Ayon pa kay Pastor Quiboloy, dapat umano ay huwag maging mayabang ang sinumang maimpluwensyang tao dahil tinitingala sila ng mga tao.

“Ipakain ninyo yung mabuti. I­guide ninyo yung mga tao sa kabutihan, huwag yung kayabangan, tapos ang yayabang ninyo,"- dagdag pa nito.

Meron ding mensahe ang Pastor tungkol sa ABS-CBN na marami pa silang haharapin tulad ng tax evasion.

“Marami pa kayong haharapin na cases ngayon, tax evasion, kaya huwag magyabang," sabi niya tungkol sa akusasyon laban sa network na hindi pa naman napapatunayan."-
pahayag ng Pastor tungkol sa ABS-CBN

Inalala din ni Pastor Quiboloy ang umano'y pagkansela ng kontrata nya sa ABS-CBN noong nagsisimula pa lamang sya sa kanyang ministry. Kinansela umano ang kanyang kontrata at napahinto ang kanyang programa na pinalitan ng show tungkol sa sabong.


"You canceled my contract, I think my contract already lapsed and you did not renew. Ang pakiramdam ko, kinansel, e."

Ang kanyang programang "The Hour of Truth" ay unang umere noong 1991.

"If you only let me in your station and you gave a place for my preaching to go there and to be there, siguro ngayon mabe­bless pa kayo. Pagpapalain pa kayo ng Dakilang Ama. But you’re not like that, e. All you see is money rin, e."


Si Pastor Apollo founder ay lider ng Kingdom of Jesus Christ. Siya'y isinilang sa Davao City at dating miyembro ng United Pentecostal Church.

No comments