any

PANOORIN! | Pasyente, Hinostage ang isang doctor sa East Avenue Medical Center





Isang Security Guard ang nagpagamot sa East Avenue Medical Center matapos maaksidente sa motorsiklo ang bigla nalang nang-hostage ng isang doctor at tinutukan sa leeg.

Kinilala ang Security Guard na si Hilarion Achondo, 51- anyos, pumunta ito ng naturang pagamutan para ipagamot ang tinamo nyang sugat sa pagkakaaksidente sa motorsiklo alas dos ng madaling araw.


Matapos itong gamutin ng isang doktor ay bigla na lang nitong tinutukan ng hiringgilya sa leeg ang doktor.

Makikita sa video na kinakausap ito ng pulis at pinapahinahon naman ng doktor na kanyang hinostage, ilang sandali lang ay pinakawalan din naman ng Security Guard ang doctor. Dahil pinnangakuan umano ito ng pulis na tutulungan.

Matapos ang insidente, humingi naman ng pasensya ang suspek

"Yung paglapit ko, sabi ko di kami kalaban. Nandoon kami para tulungan po sya, nagtulou- tuloy langnpo yung pag-uusap namin hanggang sa mapakalma po siya" - saad ng Pulis

Hindi naman umano nasaktan ang doctor sa nangyari at nahaharap ang suspek sa mga reklamong Grave Threat, Grave Coercion at Alarm and Scandal.





No comments