any

PANOORIN! | Pagnanakaw ng Lalaki sa Lola na Natutulog sa ilalim ng Footbridge, Huli sa CCTV


Huli sa CCTV ang ginawang pagnanakaw ng isang lalaki sa isang matandang Babae na natutulog sa ilalim ng footbridge sa Barangay 138, Caloocan City.


Makikita sa CCTV ang Natutulog na matanda na si Milagros Bautista na 68-anyos at ang suspek na si Martin Caliope alas-4 ng madaling araw noong Martes.

Maya-maya pa, nilapitan niya ang senior citizen at dahan-dahang hiniwa ang bag hanggang sa makuha ang wallet ng biktima. Dali-daling umalis sa lugar ang salarin nang biglang makaramdam at magising si Bautista.


Tila hindi pa nakuntento si Caliope sa ginawang krimen dahil kinabukasan ay binalikan niya ang lola upang tangayin ang natitirang gamit nito.

Saktong nakaduty naman ang kawaning si Noah Cayat at napansin sa CCTV ang insidente dahilan para agad silang makaresponde sa lugar at tuluyang madampot si Caliope.


Paliwanag naman ng salarin, wala raw siyang hanapbuhay ngayon dulot ng lockdown kaya naisipan niyang magnakaw.

Nai-turnover na ng barangay ang suspek sa pulisya.


No comments