any

PANOORIN! | Marcelito Pomoy, Pinagawa ang 4 na bahay para sa mga Nangangailangan


Nagpatayo si Marcelito Pomoy ng apat na bahay, para sa nangangailangan ng bahay sa gitna ng kumakalat na pandemya.


Ibinahagi ng Kapamilya singer Marcelito Pomoy na nakapagpatayo siya ng apat na bahay para sa mga apektado at nangangailangan ng tulong sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Ayon kay Marcelito, nagpasya siyang tumulong sa mga kababayang makapagpatayo ng sariling bahay habang dumaranas ng krisis.


Sa isang panayam, ikinuwento ng singer ang kanyang inspirasyon sa pagpapatayo ng tirahan para sa iba.

Aniya, nais lang niyang tumulong sa tao lalo pa’t naranasan niya ang hirap ng buhay bago siya maging skat na singer.

Bata pa lang daw ay naranasan na niyang tumira sa kalye dahil wala umano silang sariling bahay.

At kung ano raw ang tagumpay na nakamit niya ngayon ay nais lang niyang ibalik sa iba.

“Kasi na-realize ko, noong bata ako wala rin akong saktong tirahan, kumbaga isa rin akong palaboy, kung saan-saan ako nakatira. Kaya kapag inaalala ko ang nakaraan, hindi ko maipaliwanag, kailangan kong tumulong sa tao,” aniya.

Una na niyang napagawan ng bahay si Nanay Aurora mula sa Quezon province noong Buwan ng Mayo.


Ang ikalawa ay ang mag-inang si nanay Nelia at Ismeraldo Collante na walang maayos na tirahan mula rin sa probinsya.

Ang ikatlo ay ang bahay ni tatay Slow na mula rin sa tulong ng Kapamilya singer.


Tinatapos na rin nila ang ikaapat na bahay para sa isang masuwerteng makakatanggap nito.

No comments