any

PANOORIN! | Ina, Gusto magkaroon ng COVID-19 para makasama ang Anak


Isang Ina gusto din magkaroon ng COIVID-19 para maalagaan ang anak na special child na may COVID-19 at para maipadama sa anak na kasama nya ang kanyang ina sa paglaban sa naturang sakit.

Nagkaroon ng COVID-19 ang asawa ni Joralyn na si Billy, at hindi nagtagal ay nahawahan ng kayang Mister ang kanilang anak na isang Special Child.


Sa kagustuhan ni Joralyn na maalagaan ang anak nya, gusto nya na rin magkaroon ng COVID-19 dahil ito lang daw ang paraan para sya mismo ang mag-alaga sa kanyang anak at para maipadama dito na hindi ito nag-iisang lumalaban sa naturang sakit.

Papahintulutan lang daw umano si Joralyn na alagaan ang anak kung magpo-positibo din umano ito.


"Hiniling ko talaga na mag-positibo ako sa virus. Kasi kung hindi ako naging positibo na ganito ‘yung anak ko, special child siya, mahihirapan siya. Gusto kong iparamdam sa anak ko na sa laban ng COVID, dalawa kami dito."- saad ni Joralyn.

Ito ang Post sa page ng GMA Public Affairs,


"INA, DALANGIN NA MAGKAROON SIYA NG COVID-19 PARA MAKAPILING ANG ANAK

"Hiniling ko talaga na mag-positibo ako sa virus. Kasi kung hindi ako naging positibo na ganito ‘yung anak ko, special child siya, mahihirapan siya. Gusto kong iparamdam sa anak ko na sa laban ng COVID, dalawa kami dito."

Ang masayang pamilya ni Jarolyn, pinaghiwalay ng COVID-19. Dinapuan kasi ng COVID-19 ang kanyang mister na si Billy at hindi nagtagal ay nahawaan din ang kanyang anak na si Vincent, isang "person with special needs". Nang magpositibo si Vincent gusto na rin ni Jarolyn magkaroon ng virus. Ito lang kasi ang nakikita niyang paraan para maalagaan ang kanyang anak. Papahintulutan lang kasi siya na masamahan ang anak kung siya mismo ay magpo-positibo."


No comments