any

PANOORIN! | Idol Raffy Tulfo, Agad na Umaksyon at Nagbigay ng P100,000 para kay John Regala


Agad na tinulungan ni Idol Raffy Tulfo ang dating sikat na Action Star na si John Regala matapos na mapag-alaman na may iniindang sakit ang aktor na Liver Cirrhosis.



Sa programa na "Idol in Action" ay ininterview ni Sir Raffy si John regala matapos na ihingi ng tulong ng isang netizen sa social media ang aktor dahil di umano ito nakakakain at may sakit pa.

Binigyan naman agad ni Idol Raffy si John Regala ng P100,000, para panggastos nito sa pagkain at sa sakit nito.


Sa ngayon po, magpi-pledge ako. Magbibigay ako ng isandaang libong piso at bukod pa ho diyan magbibigay ako ng gamot, groceries para sa’yo. At kung ano pa po maitutulong namin, ibibigay ko pa po,”- sabi ni Sir Raffy kay John.

Nung nakaraang linggo, Pinost ang larawan ni John Regala ng sa social media ng isang food delivery rider matapos nitong makita ang kondisyon nito, inaantay daw umano ni Regala ang isang nurse.



Nang makita ng Rider si Regala ay mukhang latang-lata dahil 13 araw na daw itong hindi kumakain dahil sa karamdaman na dinadala nito.

Napag-alaman din na namumuhay na mag-isa si John Regala dahil iniwan na umano sya ng kanyang asawa.

Pinaliwanag din ng aktor ang kanyang kalagayan sa kanyang sakit na ayon sa kanya ay lumalala na.



“Malala na ang aking liver cirrhosis. Sugat-sugat na ang aking atay, at may tubig na ang aking tiyan at kailangang matanggal,” John said.

“Ako po ay nahihiya pero kakapalan ko na po ang mukha ko. Bawat tao naman po ay dumadaan sa ganitong sitwasyon. Sana po kung hindi naman kalabisan sa inyo, pakitulungan naman po ako. Nagpapakumbaba po ako ng labis labis. Gusto ko lang po talagang makapaghanapbuhay.”
- saad ng aktor.


No comments