PANOORIN! | Babaeng Chinese, Nanakit ng Enforcer at Siklista
Isang babaeng Chinese ang nanakit ng enforcer at isang siklista, matapos sitahin ito dahil sa sa kanyang pagtawid.
Sa video na nag-viral nitong Martes, makikitang nadamay sa pananakit ang isang siklista na hinampas ng dayuhan ng payong sa ulo.
Hinarang pa ng dayuhan ang isang paparating na kotse at hinampas ng payong saka inambahan din ang katabing rider.
Hindi naman na nakuhanan pa ang pagpunta ng babae sa isang restawran kung saan ipinagpatuloy nito ang paghuhurementado at nandura pa umano ng security guard.
Ayon sa Makati City Police Station, dinala na sa presinto ang babae na ‘di muna pinangalanan habang inihahanda ang reklamong isasampa rito.
No comments