any

PANOORIN! | Babaeng Bumibili ng Yelo na walang Facemask, Huli!


Isang babae na bumibili umano ng yelo sa tindahan ang hinuli ng mga pulis dahil walang suot na Facemask.


Dahil may kumakalat na pandemya, kailangan magsuot ng proteksyon tulad ng facemask para makaiwas sa COVID-19, ngunit marami pa rin ang mga taong pasaway na hindi nagsusuot ng facemask at kung magsusuot naman ay wala naman ito sa ayos.

Katulad na lang ng isang babae na ito na bumibili sa tindahan na wala man lang suot na facemask o anumang proteksyon sa kanyang ilong at bibig.


Makikita sa video na natyempuhan ng mga pulis ang isang babae na bumibili ng yelo, at nagulat ito ng humarap dahil nasa likod nya na pala ang mga Pulis.

Nakangiti pa ang babae na tila natutuwa pa na pinagsasabihan at huhulihin ito ng mga Pulis.


Ang kailangan natin ay makipagtulungan para hindi na kumalat ang COVID-19, sa maliit na paraan lang na pagsuot ng maayos ng facemask at di paglabas bahay ng hindi naman kailangan ay malaking tulong na para maiwasan ang pagkalat ng naturang sakit.


No comments