PANOORIN! | 83-Anyos na Lola, Kumakayod pa rin Kahit may Edad na
83-anyos na lola, patuloy ang pamamasada ng Pedicab kahit may pandemya at kahit may edad na.
Si Lola Fedeng habang kausap ang pasahero niyang si Fr. Carlo na humanga sa kasipagan niya.
Nakakadurog ng pusong makita ang viral post ni Fr. Carlo Soro patungkol sa driver ng pedicab na minsan niyang nasakyan sa Barangay Polo, Valenzuela.
83-anyos na lola na si Federacion Villalon o mas kilala sa tawag na Lola Fedeng. Habang sila ay nasa biyahe, bahagyang inusisa ng pari si Lola Fedeng at tinanong kung bakit pa ito nagtatrabaho.
Kwento ng matanda, hindi raw sila makakakain ng kanyang mister kung hindi siya kakayod. Mahina na at may sakit ang kanyang asawa na kasa-kasama niya sa buhay. Ang kanilang tatlong mga anak ay may kanya-kanya nang pamilya at malayo na sa kanila.
Maliksi at masayahin pa rin si Lola Fedeng. Ayon sa kanya, wala rin daw kasing tumutulong na iba sa kanilang mag-asawa kaya naman patuloy pa rin ang kanyang pamamasada. "Nakakahiya naman po kasing mamalimos ako, eh kaya ko pa naman pong maghanapbuhay," pahayag ni Lola Fedeng na 43 taon na palang ito ang ikinabubuhay.

Ayon naman kay Fr. Carlo, labis siyang namangha sa matanda dahil kahit senior citizen na ito, tuloy pa rin ang pagtatrabaho lalo na at may kinahaharap tayong pandemya. Ngunit tulad ng katwiran ng marami, magugutom naman si Lola Fedeng at ang kanyang mister kung hindi siya papasada. Subalit dala pa rin ng hirap ng kanilang sitwasyon, kumakatok pa rin sina Lola Fedeng at asawa nito sa sino man ang may kakayanan na makapagbigay sa kanila ng anumang tulong.
No comments