any

PANOORIN! | 2 Pulis sa Palawan, Nag-ambagan para Maipamili ng Grocery ang Isang Matanda


Nag-ambagan ang dalawang Pulis sa Palawan para maipamili ng grocery items ang isang matanda upang makatulong.

Hinangaan ang dalawang pulis mula sa Puerto Princesa City, Palawan nang magpatak-patak ang mga ito para bilhan ng pagkain ang isang matandang lalaki.


Ibinahagi sa Facebook na saksing si James Villon ang ginawa ng dalawa sa Barangay Santa Monica pasado alas-5 ng hapon noong Sabado.

Mga pulis sa may checkpoint sa Sta Monica. Puerto Princesa City, nagpatak-patak para ibili ng grocery items at ibinigay sa isang tatay na madalas nilang napapansin na naglalakad lang. Salamat Mam May Flor Aplaon, Riza Valdez at sa iba pa nyong mga kasamahan,” saad sa post.


Mapapanood sa video ang dalawang naka-unipormeng opisyal na kinilalang sina Patrolwoman May Flor Galvez Aplaon at Patrolwoman Riza Ulson Valdez na parehong nasa Field Training Program ng Puerto Princesa City Police, habang iniaabot ang isang supot sa matanda na naglalaman ng grocery items.

Maya-maya ay tinulungan pa nilang ilagay ang mga pinamili sa bag ng matanda.

Ayon kay Villon, una na niyang napansin na tila nagkakagulo ang dalawang pulis habang nasa isang grocery store.


Narinig daw niyang tila kulang ang pambayad ng isa kaya labis umano ang kanyang pagtataka lalo pa’t naka-uniporme ang mga ito.

Sabi naman ng isa, siya na lang daw ang magdadagdag ng kulang sa mga binili ng naunang pulis.

Nang makalabas na raw ng store ay doon niya napag-alaman na para pala sa matanda ang ipinamili ng dalawa.

Kwento raw ng mga ito, parati nilang nakikitang nagdaraan ang matanda sa kanilang checkpoint at naghahanap ng ulam.
 

Labis daw ang pag-aalala nila rito lalo na’t matanda na at may sakit pa umano, at mayroon daw nagpositibo sa COVID-19 sa lugar na inuuwian nito.

Marami naman ang nagpaabot ng pasasalamat sa dalawang pulis dahil sa ginawang pagtulong.

No comments