any

PANOORIN! | 14-Anyos na Batang Babae, Ginahasa at Pinatay


Isang batang babae ang nasayang ang mga pangarap dahil sa ginawa sa kanyang panggagahasa at pagpatay ng kanialng kapitbahay sa Caloocan City.

"Marami siyang pangarap sa buhay. Sabi niya, 'Ma, gawa tayo ng sariling bahay. Kung saan-saan tayo tumitira. Para libre lang, walang upa,"- saad ni Mary Jean.


"Marami akong pangarap, patapusin mo lang ako maski mahirap,'" patuloy ni Mary Jean tungkol sa sinabi noon sa kaniya ng anak.

Nito lang martes ng gabi ay nadatnan ni Mary Jean ang kanyang anak na duguan ang katawan sa loob ng kanilang pamamahay sa Pangarap Village.

May saksak ang anak nito sa leeg at nakagapos ang kamay at paa, walang saplot pang-ibaba habang nakadapa sa kanialng higaan.


Ayon sa Ina ng biktima ay nakita nya ang suspek na kanilang kapitbahay na si Diomedes Liamez na papalabas sa kanilang bahay at duguan ang suot nitong damit na mabilis na umalis.

Ang hinihinalang suspek na si Liamez ay isang caretaker ng lupang kanilang tinitirahan, at ilang beses na umanong nakaka-away ni Mary Jean.


"Gusto niya kasi mawala ako dito sa bahay na ito, kasi ito pinatira sa amin. Pero nauna akong tumira dito," sabi ng Ginang.

"Sumisilip pala diyan sa bintana nila na sinisilip niya kung anong pinag-uusapan namin. Ang isip niya, siya ang pinagkwe-kwentuhan," ani Mary Jean.

Labis ang hinagpit ng pamilya Teria sa pagkawala ni Garlene, na isa umanong mabait at masunurin na bata.

Patuloy ang paghahanap ng mga awtoridad sa tumakas na suspek. Lumikas na rin ang pamilya nito sa kanilang tirahan.

No comments