OFW, Tinakwil ng Kaanak matapos nitong Tulungan


Isang OFW na dalawampu't isang taong nagtrabaho sa Saudi Arabia para tulungan ang kanyang magulang at mga kapatid ang itinakwil ng mga kaanak dahil nawalan ito ng trabaho at wala ng maibigay na pera sa mga ito.

Ang dating OFW na si Ramon Nabuhay ay nagtrabaho ng 21 taon sa Saudi Arabia, itinulong nya lahat ng kanyang sweldo sa kanyang kapatid, magulang at mga pamangkin para may panggastos ito.




Nagkaroon sya ng magandang trabaho at malaking kita, sinakripisyo nya lahat para maibigay ang lahat ng pangangailangan ng kanyang kaanak dahilan kaya hindi na ito nakapag-asawa pa.



Umuwi si Ramon ng Pinas dahil umano nanakit ang kanyang buong katawan at hindi kaya pang magtrabaho dahil na din sa kanyang edad na 61-anyos, at dahil dun ay wala na syang maibigay na pera sa kanyang kaanak.

Nung wala na syang nabigay ay itinakwil sya g kanyang mga kaanak, wala ng natirang pera sa kanya kaya nagpalaboy-laboy na ito at halos walang kain. Ayon pa sa post ay natutulog na lang ito sa Luneta.



Ito ang Post ni Aileen Sombise,

"OFW ..
Lessons hwag puro bigay ng bigay matuto tyong magtira para sa sarrili natin...
Hindi habang malakas tayo at makakapagtrabaho..
Dati xang OFW sa bansang SUADI ARABIA 21yrs OFW may magandang trabho at kumikita ng malaki kinalimutan ang sarili at di n nakpag asawa inintindi ang mga kapatid at mga pamangkin pinag aral at pinagtapus..Dec. 2018 umuwi xa ng pinas galing Saudi dahil sa nanakit na ang buong katawan at dna kayang mag trabaho.na dapat sana ay magpapahinga na xa sa edad nia 61 pro di nakamit ni kuya Ramon ang kagustuhang iyon.dahil sa may karamdaman na xa at wala ng padala sa mga kapatid at pamangkin hinayaan na xa magpalaboy laboy sa kalye walng mayus na 2log at madalas walang kain😥 sa Luneta na po xa na 22log at nakatira ngayun.


LIFE LESSONS:
WAG TAYO BIGAY NANG BIGAY SA IBA NA SA BANDANG HULI TAYO PA ANG MAWAWALAN.
Matuto tayong magtira sa sarili upang maihanda ang ating kinabukasan."













No comments