any

Nilabas na ang ayuda na umabot ng P6.8 billion para sa Second Tranche ng SAP



Budget para sa Second Tranche ng SAP, nailabas na at umabot ito ng P6.8 Billion


Umabot na sa P6.8 billion ang naipamahagi ng pamahalaan sa 1.4 million family beneficiaries ng ikalawang bugso ng Social Amelioration Program (SAP).

Habang nasa P64.3 million naman ang naipamahagi sa 11,383 waitlisted beneficiaries na hindi nakasama sa unang tranche ng SAP.


Ayon kay DSWD Sec. Rolando Bautista, bukas ay sisimulan nila ang inisyal na digital electronic disbursement ng SAP sa pamamagitan ng transaksyon sa banko o e-money accounts.


Kabilang sa e-bank partners ng DSWD ay ang GCash, PayMaya, Union bank, RCBC, Starpay, at Robinsons bank.

Paliwanag ng kalihim, padadalhan ang mga beneficiaries na nagparehistro sa Relief Agad application ng mensahe sa kanilang binigay na mobile number.


Matatanggap nila ang ayuda sa loob ng 24 oras pagkatapos mailipat sa Landbank ang pondo.

11 comments:

  1. Paano naman po yong mga remitance center lang gaya ng palawan, cebuana, mluiller...
    May matatanggap po ba... Kaya yan ang nilagay nila kasi lahat ng hinihingi ninyo wala sa kanila or sa amin...

    ReplyDelete
  2. Naku sana nga totoo na ibibigay na dahil sobrang tagal na yan panay sabi nalang umpisahan nextweek madaming nextweek ang calendaryo.

    ReplyDelete
  3. Paano po ung Hindi makapag regesterd SA on line,pero meron po kami ding form na pinirmahan galing dswd

    ReplyDelete
  4. Sna nga ibigay na di ung pinaasa lng ung mga tao puro n lng nxt wek..

    ReplyDelete
  5. BKT PO S online relief agad kasama ang BDO...pero dito po walang BDO

    ReplyDelete
  6. pano naman po ang wla kahit isa dyan yong hindi na register sa reliefagad wlang bangko o kahit ano

    ReplyDelete
  7. ni isa po sa sap! wala po aq natanggap at yong sa sulo parent po aq nkakuha po aq 2k saloob ng mahigit tatlong buwan lockdown yon lang po b.ang binibigay maraming salamat po

    ReplyDelete
  8. Paano naman po yung mga kagaya namin na walang nakuha nung 1St tranche pero pinag fill up po kami ng form nung may 22.from tondo manila brgy. 85

    ReplyDelete
  9. PNB po Yong bank ko pwedi po ba yon?

    ReplyDelete
  10. Kelan po dito NCR taguig city po sa gcash po?
    Totoo na po sana halos ubos na po gamit namin sa bahay kasi kailangan ko ng gamot maintenance. Parang awa na po.

    ReplyDelete
  11. kailan po dito sah pasig, sana nmn maibigay nah dami kasi umaasah pang bayad sah kurynte, tubig at bahay lalo nah po akoh sana po maibigay nah.

    ReplyDelete