any

Mga magigiting na Kapulisan' nagtulong-tulong upang mabigyan ng magandang tirahan ang isang lola!


Naging mainit ang paghanga at pagpapasalamat ng mga netizen sa isa na namang di matawarang kabutihan ng ating mga kapulisan.
Viral ngayon sa social media ang ibinahaging kwento at mga larawan mula sa sa isang Facebook page na "I Love PNP" tungkol sa pagtulong ng mga pulis sa isang matandang Lola.



Nagsimula sa konting groceries lamang ang naihandog kay Lola hanggang sa ito ay mapansin sa social media ng mga netizen na may puso at malasakit.



Pinatayuan ng Badoc Patrolbase, 101st Maneuver Company, RMFB1, Police Regional Office 1 ng maayos at komportableng konkretong bahay si Lola Celerina Ibus Villa, 98 na taong gulang mula sa Brgy. Labut, Badoc Ilocos Norte.



Makikita sa mga larawan na dating nakatira lamang si Lola Celerina sa isang sira-sirang lumang bahay na halos ay wala ng ding-ding at patumba na dahil sa kalumaan at karupukan na ng kahoy.


Ayon din sa post, nagsimula lamang daw ang pagtulong nila kay Lola Celerina sa pagbigay ng mga kinakailangang groceries hanggang sa marami ang naantig na mga netizen na may mabuting puso at malasakit ay napagawaan na sa wakas ang matanda ng isang matibay at ligtas na titirhan.


Kuha din sa mga larawan ang grupo ng kapulisan na siyang nangunguna sa mula sa paghahakot ng mga gamit sa pagawa ng bahay, paghuhukay ng lupa, paghahalo ng semento hanggang sa pinakadulong bahagi upang maitayo ang bahay.




Muli, ang Badoc Patrolbase, 101st Maneuver Company, RMFB1, Police Regional Office 1 ay naipagpatayo ng bahay si Lola Celerina Ibus Villa, 98 taong gulang ng Brgy. Labut, Badoc Ilocos Norte.

Sila ay nahabag sa kalagayan ni Lola kaya sila ay nag tulong-tulong para maipagpatayo ng matibay na bahay si Lola Celerina sa pamamagitan ng ating mga mamang Pulis.

Source:Facebook

No comments