Mga Lalamove Rider, na Fakebooking ng isang Customer



Mga Lalamove Rider, naloko ng fakebooking na nagkakahalaga ng 4,000Php.


Nagpa- book ang nagngangalang Rosalyn Agustin ng Magic Pillow na nagkakahalaga ng 4,000Php. Kaya pinagtulungan ng mga lalamove rider na ito na maideliver ang naturang order sa address na binigay ng kanilang customer.

Ngunit nang sila ay dumating sa naturang lugar at address ay wala daw umanong Rosalyn Agustin ang nakatira sa address na yun.


Kaya wala nagawa ang mga lalamove Rider na ito kundi umuwi ng dismayado, pagod at nalugi dahil pinaluwalan nila ang pinambili ng Mgic Pillow.


Sa krisis na pinagdadaanan natin ngayon, nakuha pa ng iba nating kababayan na lokohin at pagtripan ang mga riders na nagtatrabaho ng maayos at naghahanapbuhay para sa kanilang pamilya.

Ito ang naturang post ng isang page:


"Grabe! kawawa naman itong mga Lalamove Rider, pinagtripan sila, may nagpabook po sa kanilang Magic pillow worth 4k tapos ang ibinigay na pangalan ay "Rosalyn Agustin" pero iba ang address walang nakatirang Rosalyn Agustin.. walang nagawa ang mga delivery rider kundi umuwi ng luhaan at pagod, abonado pa.. may krisis na nga nagagawa nyo pang manloko ng mga taong naghahanapbuhay ng marangal para lang sa pamilya tapos ganito ang trip nyo? kung sino ka man makunsensya ka naman! paki Share na lang po para mapanagot itong Rosalyn Agustin."- saad ng fb page

2 comments:

  1. mga taong walang magawa sa buhay kundi manloko mga salot ng bayan mga yan eh dapat dyan makaram ng bongga hahahhha

    ReplyDelete
  2. Sana magawan ng solusyon ng gobyerno ang ganitongbproblema...kasi maramai nang mga riders ang kawawa dahil kakarampot lang nman ang kanilang kinikita at lalo na ngayun na masasabi mk talagang buwis bugay ang kanilang hanapbuhay sa gitna ng pandemya...sila na nga tumulong sila pa ang inaabuso...

    ReplyDelete