any

Mayor Joy Belmonte, NagPositibo sa COVID-19


Mayor ng Quezon City na si Mayor Joy Belmonte, nagpositibo sa COVID-19, ayon mismo ito sa kanya.

Inanunsyo mismo ni Quezon City Mayor Joy Belmonte na nagpositibo siya sa COVID-19.

Sa kaniyang statement sa Facebook account ng QC Local Government Unit (LGU), sinabi ng lady mayor na kalalabas lamang ng resulta ng pinakahuli niyang COVID-19 test.


Nangyari aniya ito sa kabila ng mahigpit niyang pagsunod sa lahat ng quarantine protocols.

Pero, inaasahan na niya na madadapuan siya ng virus dahil sa kaniyang ginagawang pag-iikot sa mga ospital, health centers at Special Concern Lockdown areas.


Gayunman, maayos naman ang kaniyang kalagayan at walang nararamdamang anumang sintomas.

Sa ngayon, naka-quarantine na si Belmonte at ginagawa na ang pagtunton sa kaniyang mga nakahalubilo.


Bukod dito, isinara rin pansamantala ang kaniyang tanggapan para ma-disinfect, gayundin ang mga common area ng City Hall.

No comments