any

Matandang Foreigner, Naging Palaboy matapos Maubos ang Pera at Iwan ng Kinakasamang Pinay


Naging palaboy ang matandang foreigner na ito matapos maubos ang kanyang pera at iwan ng kanyang kinakasamang Pinay.

Ayon kay David Dobson na 74-anyos, iniwan sya ng kanyang kinakasamang Pinay ng maubos ang kanyang pera at dahil dun ay naging palaboy na umano sya.



Ang kawawang foreigner ay pagala-gala na lang umano sa lansangan at halos walang makain, sa pagala-gala nito ay nakilala nya si Maam Julie Ann at humingi ito dito ng pagkain dahil tatlong araw na daw ito di kumakain.

Nakakaawang pagmasdan si David dahil matanda na ito at may iniinda pa siyang ubo at may lagnat pa umano ito.



Agad naman itong tinulungan ni Maam Julie Ann, pinakain nya ito at dinala sa ospital para magamot ang sakit nito, at dahil doon ay gumaling si David.

Simula noon lagi na syang binibigyan ng paggastos sa loob ng isang linngo para sa kanyang pagkain.

1 comment:

  1. Thank u maam dahil may puso kang maalalahanin sa mga taong katulad niya,ang Diyos ang patuloy na magkaloob sau ng maraming pagpapala,nawa ay dumami pa ang taong katulad mo maam,God Bless po...

    ReplyDelete