any

Matandang Babae na Iniwan ng mga Anak, Tinulungan ng mga Kapitbahay


Isang matandang babae ang iniwan ng kanyang mga anak, nakita ng mga kapitbahay na nasa lababo at naliligo sa sariling dumi at ihi.

Sa viral video na pinost ng isang concerned netizen na si Krisitne Vargas Tatad, kung saan makikita ang kapitbahay nilang isang matandang babae na walang saplot sa katawan, bedridden at naliligo sa kanyang sariling ihi at dumi.


Talaga namang kalunos-lunos ang kalagayan ng matanda nang matagpuan nila ito sa ilalim ng lababo, hindi maka-kilos at dalawang araw na umanong iniwan ng mga anak sa abandonadang bahay at wala man lang pagkain na iniwan.



Naiyak na lamang ang mama ni Kristine nang makita ang kaawa-awang matanda na humihingi ng saklolo sa kanila. Tinanong ng kanyang mama ang matandang nakahandusay sa ilalim ng lababo ay sinabing iniwan daw siya ng kanyang mga anak.

Sinabi ng may-ari ng bahay na naglipat na raw umano ang mga anak ng paralisadong ina ngunit sa kasamaang palad, hindi nila isinama ang inang halos buto't balat na lang.

Mabuti na lamang at may nag-magandang loob pa rin kay nanay at nagawa syang sagipin ng kanilang kapit-bahay nang makita nila ito sa ilalim ng isang lababo.

Salamat na lang sa mabubuting kapitbahay ni nanay ng siya ring nag-upload ng video ng matanda sa social media.



Marami ang naantig sa kaawa-awang kalagayan ni nanay na masahol pa sa hayop ang pagtrato dito dahil iniwan na lang sa kabila ng ganoong kalagayan.

Nang pagkakita nilang mag-ina kay nanay, agad nila itong binalutan ng tela, dahil tinakpan lamang ito ng isang plywood at container ng tubig sa tabi nito.

Sa kwento ni Kristine, dalawang araw na raw ang lumipas nang iwan si nanay roon ng mga anak na hindi man lang siya iniwanan ng makakain at hindi man lang dinamitan.

Agad nila itong nilinisan, pinakain at binihisan dahil hindi na talaga ito makagalaw dahil sa ilang araw na hindi ito nakakakain. Kung hindi pa agad ito Nakita nila Kristine ay maaring bawian na ito ng buhay.


Hinanap din nila agad ang mga anak ni nanay upang alamin kung bakit nila nagawang iwan mag-isa ang kanilang ina?

Sa tulong ng mga barangay ay natunton nila ang bagong nilipatan ng mga anak nito, agad daw na tumungo ang mga anak ng naiwang matanda at kasama ang asawa nito.

Katwiran ng mga anak ni nanay, hindi raw nila ito pababayaan at sa katunayan pa nga ay babalikan naman daw nila ang ina pero inuna lamang muna nila ang mga kagamitan.

Ngunit agad itong sinagot ng sumaklolo sa matanda na hindi dapat gamit ang inuna nilang sininop kundi ang dapat ay ang kanilang ina muna ang inintindi.

Sa panibagong post ni Kristine, makikitang maayos na ang kalagayan ng matanda at kiniuha na rin siya ng kanyang mga anak.

Sa pangambang baka ulitin muli ng mga anak ang pang-iiwan sa ina, nagpasya sila Kristine na humingi na ng tulong sa DSWD sa nilipatang lugar ng matanda upang masubaybayan ito.



Maraming netizen ang naantig ang puso nang mapanood ang kaawa-awang kalagayan ni nanay. Sa kasalukuyan ay umabot na sa 2 million views ang nasabing video ni nanay.

Narito naman ang buong post ng netizen na si Kristine Vargas Tatad sa kanyang Facebook:

"Nangangatog ako sa pangyayaring ito, tinawag ako ng mama ko mula sa kwarto para magpatulong buhatin ung matanda nagdala sya ng tela , pagpunta namin dun sa paupahan ganito naabutan namin, bahay n mabaho at wala ng gamit at matandang babae na nakahiga sa ilalim ng lababo nakahubad at tinakpan ng plywood at 1 container ng tubig tinanung ni mama kung kumain na binigyan daw ng pagkain ng kapitbhay, umiiyak sya at sinabing iniwan sya , iyak ng iyak mama ko makita sitwasyon.

Ang kwento ng nagpapaupa naglipat n daw mga anak nya 2days ago, at alam ko intensyon nilang iwan nanay nila doon ng nakahubad, walang pagkain sa ilalim ng lababo at takpan ng plywood, maririnig nyo sa video ang usapan , umuwe ung anak dahil nag message kami sa fb n my mga taga barangay na kaya dali daling umuwe isang anak at asawa netong kumag ,,

Ang sabi ng anak di nmn daw nila papabayaan nanay nila babalikan nmn daw nila kc inuna lng gamit sagot ko dapat nanay nyo inuna nyo hnd gamit, maniniwala ka bang babalikan pa nila eh 2days nilang iniwan at walang pagkain, walang kasama shit kayo! Sa background maririnig nyo habng kausap nmin ung anak nagsalita ung asawa, di mo kailangang magpaliwag, paliguan mo na. Maiiyak ka na lng talga bkit may mga ganyan tao. Sana mareport to sa brgy o kay #raffytulfo.

Pa share para sumikat itong mga walanghiyang mga anak at asawa.

Sumakit dibdib ko at tyan ko, nkaka stress.

Kayo na lng po humusga"

1 comment:

  1. Wag sana po mangyari sa kanila yan pagdating ng panahon..dhil po naniniwala po ako na kung ano ang ginawa mo sa kapwa mo lalo na po magulang pa po..mas higit pa ang balik nunsa knila..tandaan nila my mga anak cla dhil kung ano ang nakikita sa mga magulang ganun din sa knila balang araw.wag nmn...dhil mas masakit pagngyari din sa knila yung mga ginawa nila..d po ako naniniwala na babalikan nila yan..mas impotante pa sa knila ang mga gamit, at sa pagiwan nila ng ng ganyang sitwasyon ni nanay, ayaw nila ata ng obligsyon, dhil mt sakit na c nanay..dun sa anak nmn nung panahon na maliit kp ginaynyan kb ng nanay mo.., ?

    ReplyDelete