Mahigit 30 Food Delivery Riders, Naloko ng Iisang Customer


Naloko ng iisang Customer ang mahigit sa 30 na Food Riders, Umorder umano ito ng mahigit sa 80 klase ng pagkain sa mga ito.

Para hindi na pumunta kung saan-saan para makabili ng pagkain ay nauso ang mga delivery foods dumami ang mga Food riders lalo na ngayong panahon ng pand3miya kung saan lahat ay for take-out orders at delivery orders.


Samantala, nakakalungkot lang isipin na bukod sa mahirap na ang pagiging food riders ay marami pang mga taong walang magawa sa buhay at nampupurwisyo sa mga nagtatrabaho ng marangal.

Tulad na lang nang isang pangyayari na ito hindi lang pala sa Pilipinas nangyayari ang panloloko sa mga food riders.


Gaya na lamang sa Thailand ay marami din ang mga b0gus buyer na binibiktima ay ang mga riders na umabot sa 30 food riders ang kanyang nabiktima sa panloloko.

Ayon sa Thai World Daily at World of Buzz, Ikinuwento ng isang food rider ang kaniyang naging mapait na karanasan.

Diumano ay marami silang mga riders na naloko ng isang costumer na gumamit ng fake address umabot sila ng 30 riders (tatlumpu) at umabot sa halos 80 plus na orders naman ang na fake order nito.


Makikita sa larawan kung saan nagkitakita ang mga riders at nagpang-abot sila sa nasabing address at pare-parehas sila ng hinahanap kung sino ang umorder.

Doon nila nalaman na nabiktima sila ng fake buyer. Lumapit naman agad ang mga riders sa kapulisan para ireklamo ang nasabing fake buyer na ito at sa ngayon ito ay iniimbestigahan.


Sana naman ay huwag natin abusihin o lokohin ang mga nagsisikap kahit mahirap tulad ng mga food riders.

Katulad sila ng maraming tao na may pangarap at nagsusumikap para makaraos sa buhay, Bukod sa nararanasan nila sigawan kapag may mali sa orders o na delay ito maliit paa ang kita nila dito.

Kaya naman nawa`y iwasan natin manloko ng kapwa dahil hindi natin alam kung ano ang kanilang pinagdadaanan.

No comments